Panukala na magbabawal sa ‘substitution of candidacy’ inihain sa Kamara

A worker sweeps the floor of the venue set up by the Comelec at Sofitel hotel in Pasay City for filing certificates of candidacy for the May 2022 polls, where politicians of every stripe have strode in and out since Oct. 1, with more expected till Friday. At right is the “integrity pledge” that is always worth remembering in times like these.

PHOTO BY GRIG C. MONTEGRANDE

NAGHAIN ng  panukala sa Mababang Kapulungan si House Deputy Speaker Rufus Rodriguez para ipagbawal na ang ‘substitution of candidacy’ kapag tapos na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa darating na eleksyon.

May hiwalay din na inihain na panukala ang kinatawan ng Cagayan de Oro City para naman maging mandatory ang pagbitiw sa puwesto ng isang halal na opisyal na tatakbo sa ibang posisyon.

“These twin measures aim to put an end to practices by politicians and political parties that tend to put in doubt the integrity of our elections,” katuwiran ni Rodriguez.

Aniya maaari lamang ang substitution kung mamamatay o madidiskuwalipika ang kandidato kaya’t inihain niya ang House Bill 10380.

Sa paghain naman niya ng House Bill 10381, nais ng mambabatas na maibalik ang probisyon sa election law na nagdedeklara sa isang incumbent official na resigned kapag naghain na ito ng COC para sa ibang posisyon.

Nabatid na nawala ito sa RA 9006 o ang Fair Elections Act of 2001.

Basahin ang iba pang ulat kaugnay ng eleksyon:

Barahang pulitika ng mga kandidato, mabibilad na

True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Talunang pulitiko muling ipakikilala sa publiko sa pamamagitan ng libro

Sharon humiling ng dasal para sa pamilya, ipit na ipit kina Kiko at Tito: Ano’ng naging kasalanan ko…?

Read more...