Hugot ni Beauty: Hindi mo mapaplano ang love, lightning can strike anyone at anytime! Bandera

Hugot ni Beauty: Hindi mo mapaplano ang love, lightning can strike anyone at anytime!

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Hugot ni Beauty: Hindi mo mapaplano ang love, lightning can strike anyone at anytime!

Ervin Santiago October 14, 2021 - 12:44 PM

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda

HULING dalawang araw na lang ng “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette” kaya naman abangers na ang Kapuso viewers kung ano nga ba ang magiging ending ng love story nina Marcus at Miss Bridgette.

In fairness, talagang sinubaybayan ng mga manonood ang kuwento ng hit series nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda sa GMA Afternoon Prime kaya naman humataw ito nang todo sa ratings game.

Hindi lang mga fans nina Beauty at Kelvin ang sumuporta sa “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette” dahil kahit ang mga nanay at tatay, lolo at lola, at mga nagsisiyesta ay naadik din sa programa.

Kaugnay na ulat: Halikan nina Beauty at Kelvin sa ‘Miss Bridgette’ nagpasabog ng kilig, sigaw ng fans: More! More!

Kaya naman tuwang-tuwa at very thankful ang cast at buong production ng serye sa napakainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang proyekto lalo na si Beauty dahil nga ito ang first series niya bilang Kapuso.

Ayon sa aktres, marami rin siyang natutunan sa kuwento at karakter niya sa “Loving Miss Bridgette” pero ang pinakamahalagang aral na nakuha niya rito ay, “You can’t plan love, lightning can strike anyone at anytime, and there’s nothing you can do about it.”

Ang pinakamami-miss naman daw niya sa programa ngayong malapit na silang magtapos ay, “The youthful energy and pureness and rawness of puppy love.”

Ano naman ang message niya sa lahat ng avid viewers ng kanilang afternoon series? “Thank you for Loving Miss Bridgette, thank you for cheering for her, thank you for accepting her into your homes and into your hearts.”

At para naman sa finale episode ng “Loving Miss Bridgette”, ito lang ang masasabi ni Beauty, “Expect the unexpected, a perfect mix of true life and fantasy, of expectations and reality, a closing and perhaps an opening.”

Kaya huwag na huwag nang bibitiw sa huling dalawang episode ng “Loving Miss Bridgette” dahil siguradong hinding-hindi n’yo raw kakayanin ang pasabog nina Beauty at Kelvin.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending