NA-TOUCH ang Bandera sa mga mensaheng nakuha namin sa mga napiling KA-TROPANG READERS. Ininterbyu namin sila sa pamamagitan ng phone call at text at narito ang mga kuwentong nakuha namin sa kanila:
RAYMUNDO “BOYET” PARCON
Calumpang, Molo, Iloilo City
45 years old
Presidente ng Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Owners and Drivers Association, ang kauna-unahang transport group sa bansa na ka-partner ng Bandera.
“Paborito kong basahin sa Bandera ang kolum ni Ramon Tulfo, ang Target ni Tulfo at ang horoscope at lotto section. Very informative ang Bandera.
Nalalaman ko rito kung ano ang mga pangyayari sa Pilipinas o maging sa ibang bansa. Dito ko nababasa ang mga good at bad news.
Katropa ng ICLAJODA ang Bandera dahil binibigyan kami nito ng latest information at fresh na fresh na updates tungkol sa showbiz at sports.
Mula sa amin dito sa ICLAJODA, sana bigyan at dagdagan pa kayo ng Panginoon ng mga blessings at maraming subscribers o readers. Sana mas humaba pa at mas maging successful ang ating partnership. Para sa amin, ang ICLAJODA at Bandera ay MAGKA-PARTNER talaga!”
EDUARDO ESPANTO BAUTISTA
Koronadal City, South Cotabato
52 years old
“Mga limang taon na akong nagbabasa ng Bandera. Ang paborito kong basahin ay tungkol sa mga kaganapan at pamumuhay ng mga tao. Interesado rin akong basahin ang mga balita tungkol sa conflict o war at iba pang good o bad news sa Bandera at pati na rin ang kolum ni Ramon Tulfo.
Nakatutulong sa akin ang Bandera, dahil dito ko nalalaman ang mga pananaw o paniniwala ng ibang tao. Dito ko rin nababasa kung anu-ano ang nangyayari sa lipunan.
Sa pamamagitan ng Bandera, nalalaman ko rin kung ano ang nasasaad sa batas o kung ano ang naaayon o ipinagbabawal nito.
Ang Bandera ay parang malapit ko ng kaibigan na nagbabalita tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa at nagbabahagi sa akin kung ano ang pananaw o opinyon ng iba tungkol sa mga bagay-bagay, gaya ng divorce at iba pang issue.
Sana ay ipagpatuloy ng Bandera ang pagbabalita at nawa ay mas dumami pa ang tumatangkilik dito.”
PEPITO MEDINA
Sta. Ana, Manila
65 years old
“Dati ang binabasa ko ay ang diyaryong Tumbok na sister publication ng Bandera… Hanggang sa nag-Bandera na rin ako at ‘di ko na pinalitan ng iba ang diyaryong ito.
Gusto ko ang crossword puzzles ng Bandera. Una kong sinasagutan ang mga puzzles. Tapos binabasa ko na ang mga balita at iba pang nilalaman nito.
Kapag nauubusan ako ng Bandera, ‘di na ako bumibili ng iba pa. Ayoko na ng iba, dahil parang katropa ko na ito.”
ANGELIE TORRES
Uranus St., Zamboanga City
22 years old
“Tatlong taon na akong sumusubaybay sa Bandera. Ang Chika ni Cristy Fermin ang isa sa pinakapaborito kong basahin dito.
Katropa ko ang Bandera dahil kapag binabasa ko ito, araw-araw akong nagiging updated sa news at kapag wala akong masyadong ginagawa, Bandera ang kasama ko.
Happy 23rd anniversary Bandera. Keep it up! More power. Thanks.”
KAGAWAD FLORANTE R. SAPITULA
Lower Lourdes Subdivision, Baguio City
37 years old
“Nakasanayan ko nang basahin ang Bandera. Ang paborito kong basahin dito ay ang mga latest news, showbiz, mga kolum gaya ng Aksyon Line, Ibandera ang Batas, Opinyon Ko ‘To, Doctor Heal at kolum ni Manny Pacquiao.
Binabasa ko rin ang sports articles tungkol sa boxing, basketball at PBA results. Halos lahat ay binabasa ko, lalo na kung tungkol kay Pacquiao.
Madalas akong nagbabasa ng Bandera, maliban na lang kung may mga kalamidad o hindi maganda ang panahon dito sa Baguio.
Kapag nagbababasa ako ng Bandera, marami akong nalalaman. Kung minsan, wala pa sa ibang diyaryo pero sa Bandera meron na… Maraming interesting contents dito.
Alam ko rin na bukod sa pagbibigay ng kaalaman, balita o impormasyon, nakatutulong din ang Bandera sa ibang tao kasi ‘yung mga sulat o text ng ibang readers na nanghihingi ng tulong o may mga katanungan, tinutugunan ng Bandera.
Maraming salamat at happy anniversary sa inyo, Bandera. Binabati ko rin pala yung mga kapamilya ko sa Sto. Tomas, La Union, ang Sapitula Family.
DEO P.
Tacurong City
52 years old
“Avid reader ako ng Bandera. Mahigit 15 years na akong nagbabasa. Halos lahat ng contents ay binabasa ko in one day habang nakaduyan ako.
May time na medyo sumasama ang loob ko kapag ‘di ako nakabili ng Bandera. Dapat mga-alas nuwebe ng umaga, nakabili na ako ng kopya.
Pagdating kasi ng alas-diyes, ubus na ubos na, wala na akong nabibili… Mabilis nauubos dahil malakas ang Bandera sa Mindanao.
Paborito kong basahin ang mga kolum nina Father Dan, Ramon Tulfo at Manny Pacquiao. Binabasa ko rin ang Ibandera ang Batas at mga news tungkol sa national issues at kaganapan dito sa Mindanao.
Gusto ko kasing maging updated locally… Dapat alam ko kung ano na ang mga pangyayari dito sa Mindanao. Libangan ko rin ang pagsagot sa tatlong crossword puzzles ng Bandera.
Ipagpatuloy n’yo sana ang mga ginagawa ninyo kasi may makabuluhan na aral at useful na kaalaman na nakukuha sa inyo ang mga tao.
Maituturing ko kayong katropa, mga taga-Bandera. Parang more than that pa nga… Kasi ‘yung mga comments at concerns, nailalabas ko at ng iba pang tao.
Saka marami talagang concerned citizens na nagbibigay ng idea o reaksyon sa mga issue. Nagiging way kayo para maiparating sa gobyerno yung mga hinaing namin.
Para sa akin, ang Bandera ay isang watawat na nagwawagayway ng mga kaganapan sa lipunan at nakatutulong para higit na mapaganda o mapaunlad ang ugnayan ng bawat mamayan.
Ito ang nagiging daan para mag-ugat ang magandang kinabukasan at upang mamulat ang mga tao sa kalagayan ng ating lipunan.
Kayo ang magigiging daan para maging mas maalam ang mga mamayan at isa kayo sa mga tutulong para matahak ang tuwid na daan.”
MARK EVANGELISTA
a.k.a. Manniekeen Palma
Image Stylist
Pob. New Lucena, Iloilo City
30 years old
“Almost three years na akong nagbabasa ng Bandera. I read it everyday. Katropa ko ang Bandera dahil nagbibigay ito ng pangkalahatang impormasyon na kailangan ko araw-araw. It makes me receptive and intelligent.
I love the entertainment section. It helps me to become updated about what’s happening inside and outside the showbiz industry, especially the Kapamilya stars.
I really admire the brilliant minds, thoughts and opinions of Alex Brosas and Jobert Sucaldito. They have the strong will to write and express their insights.
From the bottom of my heart, I’m wishing you guys all the best. Keep up the good work. Keep on feeding us some more informative articles. God speed. I’m proud to be “KATROPA NG BANDERA” for life.
RODRIGO MERCADER
Sampaloc, Manila
59 years old
“Matagal na akong nagbabasa ng Bandera. Naabutan ko pa ‘yung edition na hindi talagang pwedeng ipabasa sa mga bata. Nakita ko kung paano nagbago ang Bandera mula noon.
At hanggang ngayon, binabasa ko pa rin ito. Ngayon, pwede na talaga itong basahin ng kahit sino. Hindi ka na matatakot kung biglang may mga bata na makabasa nito.
Palagi akong bumibili at nagbabasa ng Bandera. Part na ito ng routine ko sa araw-araw. Pati misis kong si Janeth at anak kong si Rojan, naimpluwensiyahan ko sa pagbabasa ng Bandera.
Ipinapabasa ko rin ito pati mga customers sa jewelry and watch repair shop ko. Mukhang gusto na rin nila kasi pinagpapasa-pasahan.
Paborito kong basahin sa Bandera ang mga headlines at current events para maging updated ako. Gusto ko rin ang The Good News ni Father Dan at ang legal advice column.
Sinasagutan rin naming ng misis ko ang crossword puzzles. Katropa ng pamilya ko ang Bandera dahil marami kaming nakukuha ritong kaalaman, gaya ng sa pananampalataya o religion at mga pangyayari sa lipunan.
Very informative talaga. Sana ay patuloy pang madagdagan an gaming kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bandera.”