Duterte: Mga ayaw magpa-bakuna kontra COVID-19, turukan habang natutulog

President Duterte

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, batid niya na marami pa rin ang ayaw magpabakuna. Solusyon niya, akyatin ang bahay at turukan habang natutulog.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Duterta na makukumpleto na ang istorya.

“Magpabakuna. Alam ko marami pang ayaw eh. Iyan ang problema ‘yung ayaw, ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin ‘pag tulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ‘yung istorya. Eh kung ayaw, eh ‘di akyatin sa bahay eh, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano — I will lead the journey,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, nasa 50 milyong katao na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...