NAGKASUNDO ang Metro Manila mayors na iksihan na ang curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay Metro Manila Council chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, simula sa October 13, ipatutupad ang curfew hour mula 12:00 ng hatinggabi hanggang sa 4:00 ng umaga.
Sa kasalukuyan, nagsisimula ang curfew ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.
Sinabi pa ni Olivarez na kaya binago ang curfew hours dahil bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa ganitong paraan, mas maraming establisyemento na ang magbubukas at unti-unti nang mabubuhay ang ekonomiya na pinadapa dahil sa pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES