Sharon humiling ng dasal para sa pamilya, ipit na ipit kina Kiko at Tito: Ano'ng naging kasalanan ko...? Bandera

Sharon humiling ng dasal para sa pamilya, ipit na ipit kina Kiko at Tito: Ano’ng naging kasalanan ko…?

Ervin Santiago |October 12,2021
share this

Sharon humiling ng dasal para sa pamilya, ipit na ipit kina Kiko at Tito: Ano’ng naging kasalanan ko…?

Ervin Santiago October 12, 2021 - 09:40 AM

HUMILING ng dasal si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pamilya na siguradong magkakahati-hati na naman dahil sa darating na May, 2022 elections.

Magsasalpukan kasi ang dalawang taong malapit at mahalaga sa buhay niya na parehong kakandidato sa pagka-vice president sa susunod na taon.

Ang tinutukoy ng award-winning actress at TV host ay si Sen. Tito Sotto (asawa ng tiyahin niyang si Helen Gamboa) at ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Aminado si Mega na mabigat na mabigat ang puso niya sa pagbabalik sa Pilipinas dahil nga sa pagtatapat nina Kiko at Tito Sen sa Eleksyon 2022.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang movie icon at box-office queen ng emosyonal na mensahe at naglabas ng saloobin tungkol sa sitwasyon niya ngayon.

Hindi man binanggit ni Sharon ang pangalan ng kanyang mister at ni Tito Sen, naniniwala ang kanyang fans at social media followers na tungkol nga ito sa pagbabanggaan ng dalawa sa susunod na eleksyon. 

“I come home with a happy, but heavy heart. Two men I greatly love – one whom I have known since birth, and the other, one I exchanged solemn vows with twenty-five years ago, are about to vie for the second highest position in the country.

“And once again, I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks. What could I, can I do?

“I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us. 

“It is most difficult for us in the periphery, who never imagined we would be in this position. May God bless us all. May God help me through this trying period…Please pray for all of us,” pahayag pa ng nag-iisang Megastar.

Sa isa pa niyang IG post, nagbahagi ng makahulugang quote si Shawie tungkol sa nararamdaman niyang “sakit”.

“The sad thing is nobody really knows how much is anyone else is hurting. We could be standing next to somebody who is completely broken and we wouldn’t even know it,” ang nakalagay sa ipinost niyang quote card.

Nauna rito, ibinandera naman ng anak ni Mega na si KC Concepcion ang pagsuporta sa kandidatura ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko.

“Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet.

“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength.

“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator.

“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita,” pahayag ni KC.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending