Heart mas bongga at mas sosyal pa rin kesa kay Jinkee; Andrea lapitin ng mga multo Bandera

Heart mas bongga at mas sosyal pa rin kesa kay Jinkee; Andrea lapitin ng mga multo

Alex Brosas |October 12,2021
share this

Heart mas bongga at mas sosyal pa rin kesa kay Jinkee; Andrea lapitin ng mga multo

Alex Brosas October 12, 2021 - 08:40 AM

Andrea Brillantes, Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista

SUPER sosyalin talaga ang dating ni Heart Evangelista lalo na sa kanyang mga Instagram posts.

Of late, Heart posted a photo of her while sipping what looked like a champagne. It was kinda special kasi ginamitan ni Heart ng straw ang champagne which is not normal.

But more than that, naloka ang IG followers ni Heart dahil sosyal na golden straw ang kanyang ginamit.

“I have mixed drinks about feelings. @louisvuitton,” caption ni Heart sa kanyang IG photo.

Siyempre pa, naloka ang netizens and marami sa kanila ang nag-react. 

“Maski yung straw na gamit ni Ms. Heart hindi ko rin afford.”

“Oo na miss heart kami na ang hampas lupa. kala ko ma aafford ko na ang straw tas yun pala gold.”

“Super idol ka ni Jinkee Pacquaio pero di ka pa din nya ma copy ikaw pa din ang original fashion icon.”

“Straw palang di ko na afford.”

“LV at gold straw. Heist!”

“Yung straw talaga yung bongga.”

“Champagne with straw? Grabe.”

“Yayamanin pati straw. Iba talaga si Heart!”

* * *

Sobrang hirap pala ang na-experience ni Andrea Brillantes nang magka-COVID siya.

Asymptomatic ang dalaga at ikinuwento niya ang kanyang struggles sa interview niya kay Boy Abunda.

“Okay naman po ako. Physically, wala akong nararamdaman. Mahirap lang po mentally. Ang pinakamahirap po sa akin is I have insomnia and anxiety. Iyon ang struggles ko. 

“Sa araw ay sobrang kaya ko naman lahat. Ang ginagawa ko lang, I read books. Pagdating ng gabi, doon ako nahihirapan,” say ng bida ng “Huwag Kang Mangamba”.

“Takot po akong mag-isa. ‘Wag po sana kayong matawa. Lapitin po ako ng multo,” rebelasyon ni Andrea.

Wala naman daw nagpaparamdam na multo sa kanya lately. Naniniwala si Andrea na nagkaroon siya ng insomnia dahil maaga siyang nagtrabaho.

“Maaga po na naano ang body clock ko. Lagi akong binabangungot, lagi akong nagkakaroon ng sleep paralysis so nagkaroon ako ng fear na matulog kasi may mga tao na nagkaka-heart attack sa pagtulog nila. Hindi na sila nagigising.  

“I believe dahil iyon sa sobrang bangungot nila. Ang ginagawa ko lang is lagi akong nagpe-pray,” say ni Andrea.

To address this problem, nagkaroon si Andrea ng one session sa isang therapist.

“Ang daming taong nag-aalala sa akin. Gusto ko lang ipakita sa kanila na kaya ko. Kaya kong mag-isa. Kakayanin ko kahit mahirap.  Last time nag-brownout  ay umiyak ako pero kaya,” say niya.

Samantala, tatakas ang character ni Andrea sa “Huwag Kang Mangamba” na napapanood 8:45 p.m. on the Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 and TV5.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending