Lauren Dyogi nagsalita na kung siya ba talaga ang mystery ‘Kuya’ sa PBB

Lauren Dyogi

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagsasabi at naniniwala na ang ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi ang gumaganap na “Big Brother” sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother.”

Mula nang umere ang “PBB” sa Kapamilya network ilang taon na ang nakararaan, ang alam ng madlang pipol ay si Direk Lauren si “Kuya” na siyang nagbibigay ng tasks sa mga housemates.

Sa isang YouTube vlog ni Toni Gonzaga, muling natanong ang TV executive at direktor tungkol dito, siya nga ba talaga si Big Brother. 

“I’ve denied it. People will believe, people will not believe. I think the imprint that I left in the beginnings of Big Brother, because I was the one na kapag may kontrobersya, ako ‘yung haharap. Tapos Kuya is a good mimic, my intonation, my inflection.

“Because in the beginning I was really the one creatively in control. So, malaki po ‘yung parte ng pagkatao ko na napupunta kay Kuya na napupunta sa programa because I was really in control. 

“At that time, it was really my baby. It was really what I breathed day in, day out,” paliwanag ni Direk Lauren.

Itinuturing daw talaga niyang “baby” ang “PBB”, “Ang laki po nu’ng 15 years, 16th na yata this year of ‘Big Brother’ na pinagsamahan namin dahil talagang literally, we were living together. 

“Those were tough times na controversy was talagang wow. But I think ‘yun din ang nakatulong sa popularity ng ‘PBB,’ because we know how to handle the controversy,” aniya pa.

Malapit nang magsimula ang 10th season ng nasabing reality show at sa tanong kung bakit love na love niya ang programa, “Alam mo ‘yun ang pinakapaborito kong parte ng ‘Big Brother,’ ‘yung audition. ‘Yun ‘yung na-miss ko ngayong pandemic na digital ‘yung audition. 

“Dati kasi lumilibot sa iba’t ibang probinsya, iba’t ibang parte ng mundo. Paborito ko ‘yung naghahanap, ‘yung finding that needle in a haystack.

“Hindi mo akalain na si Kim Chiu, dati hindi naman uso ‘yung chinita, ‘di ba? Or Melai (Cantiveros), Maymay (Entrata). These are the people that you don’t expect to be the standards of artista but minahal sila ng tao. I think ‘yun ang importante ngayon, sino ba ang mamahalin ng tao,” lahad pa ni Direk Lauren.
May pa

Sa unang pasabog ng “PBB” Season 10, mapapanood sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga celebrity housemates na sina Madam Inutz,  Alyssa Valdez, KD Estrada, Anji Salvacion, TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Brenda Mage, Eian Rances, Alexa Ilacad at Shanaia Gomez.

Read more...