Guillermo Eleazar at Jake Cuenca
SINIGURO ni PNP chief Director Gen. Guillermo Eleazar na mananagot ang aktor na si Jake Cuenca matapos takbuhan ang mga pulis na humabol sa kanya nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa opisyal ng PNP, kawalang respeto sa batas at sa mga otoridad ang ginawang pambabalewala ng aktor sa mga anti-narcotics agent ng PNP.
Inaresto ng mga pulis si Jake matapos umanong mabangga at takbuhan ng kanyang minamanehong SUV ang sasakyan gamit ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-illegal drug operation sa Mandaluyong City sa Bgy. Barangka, Mandaluyong.
“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili,” babala ni Eleazar kay Jake sa isang video na naka-post sa Facebook.
“Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences.
“Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place.
“May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pangteleserye at pampelikula,” ayon pa sa chief ng PNP.
Kasunod nito, nag-sorry din si Eleazar sa Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala nang barilin ng mga pulis ang sasakyan ni Jake.
“I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery,” sabi ng PNP official.
Tungkol naman sa mga pulis na sangkot sa insidente, inatasan na niya ang Eastern Police District na isailalim sa restrictive custody ang mga ito habang isinasagawa ang imbestigasyon.
“We assure the public that disciplinary measures will be imposed on the personnel involved and corrective measures will be implemented in order to prevent the repeat of this incident,” aniya pa.
Nauna rito, ipinagtanggol naman ni Paulo Avelino si Jake sa kinasangkutang kontrobersya, “I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes.
“Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me it’s either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time,” ang ipinost ni Paulo sa Twitter.