Ely Buendia
SORRY na lang sa mga supporters ng iconic Pinoy band na Eraserheads dahil mukhang hindi pa dumarating ang tamang panahon para magkaroon uli ng bonggang reunion ang grupo.
Marami kasing fans ang nabuhayan ng loob nang mag-post ang dating frontman ng banda na si Ely Buendia sa social media tungkol sa posibleng pagsasama-sama muli ng Eraserheads sa isang concert.
Aniya, isa raw sa posibleng maging daan ng reunion ng kanilang grupo ay kapag tumakbong pangulo si Leni Robredo sa 2022 elections kaya naman nagpiyesta ang kanilang supporters nang magdeklara na ng kanyang kandidatura ang kasalukuyang vice-president ng bansa.
Kasunod nga nito, sinabihan ng mga netizens si Ely na dapat ay tuparin nito ang kanyang sinabi para muli nilang mapanood on stage ang OPM legend.
Ngunit ayon kay Ely ang tweet niya hinggil sa Eheads reunion ay “half serious joke” kasabay ng paglilinaw na hindi isang political post ang ibinahagi niya sa Twitter.
“That answer was far from a political post. I do respect and admire Leni. If I were to vote, she’s my top candidate right now.
“That tweet was a half serious joke maybe, but people made it into a big deal,” paglilinaw ni Ely sa ginanap na mediacon ng kanyang “Superproxies” concert kamakailan na naiulat sa ABS-CBN.
Nagbigay din ng pahayag ang drummer ng Eraserheads na si Raimund Marasigan tungkol sa viral post ni Ely.
“I think it’s a calculated tweet. So, you have to read deeper. Sometimes the meaning is beyond the tweet.
“Let’s just address it here para isang sagutan na lang. One, I do not know of anything.
“If it’s anything about the ‘Heads playing together, my policy is tell me about it when I’m ready to sign and rehearse,” chika pa ni Raimund.
Aniya pa, hindi rin siya nababahala na baka mabahiran ng kulay politika ang kanilang banda dahil lamang sa tweet ni Ely.
“I don’t think it was a band thing. Personally, I don’t think about it. I don’t think about it politically. I thought it was funny,” paliwanag pa ng dating drummer ng Eraserheads.
Kung matatandaan, nabuwag ang Eraserheads noong 2002 at ang huling pagkakataon na nag-perform silang magkakasama on stage noong 2016.