Defensor, Castelo naghain ng P17B recovery roadmap para sa Quezon City

Umaabot sa P17 bilyon ang financial aid na planong ipamahagi nina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Winnie Castelo sakaling palarin sila na mahalal na opisyal ng Quezon City.

Kapwa nag-file sila ng certificate of candidacy  noong nakaraang Huwebes. Si Defensor ay tumatakbong mayor habang vice mayor naman para kay Castelo.

Inihayag nila noong Linggo ang kanilang three-point economic roadmap na umano’y magpapabilis sa pagbangon ng siyudad sa epektong dulot ng Covid-19.

Una na rito ang pagbibigay ng umaabot sa P3 bilyon na direktang pampinansiyang tulong sa mga walang trabaho, informal workers, medical front-liners, teachers, police officers, at public-sector personnel.

Ang ikawalang bahagi ay kinapapalooban ng pagbibigay ng mga  tax at iba pang kaugnay na incentives na nagkakahalaga ng P5 bilyon sa mga negosyo, lalupa sa maliliit at medium-scale enterprises.

Ang huling  component ng roadmap, nagkakahalaga ng P9 bilyon, ay kumbinasyon ng programang pang-imprastraktura na magbibigay ng bagong hanapabuhay sa  mga taga Quezon City, at tugon sa pandemya na ang layunin ay mapababa ang bilang ng mga kaso ng Covid at maprotektahan ang publiko laban sa nakahahawang sakit.

 

Read more...