Kim pumayag nga bang itambal si Jerald kay Candy; excited sa muling pagbubukas ng sinehan

MAGKASAMA sa pelikulang “Sa Haba ng Gabi” ang magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina pero hindi sila ang magka-partner kundi si Candy Pangilinan na idinirek ni Miko Livelo.

“Kami po ni Jerald ang may love affair dito, hindi po sila ni Kim,” bungad pagpapakilala ni Candy sa tanong kung hindi ba siya nailang kina KimJe.

Dagdag pa, “Pumayag po si Kim kasi ako po ito.”

Bumunghalit naman ng tawa si Kim at ibinuking niya si direk Miko

“Sabi ni direk Miko, ‘Kim paghiwalayin ko kayo ha para sa movie lang. Si ate (Candy) mo naman, ha, haha. Sorry ate (sumingit),” saad ng real Babe ni Jerald.

Sa pagpapatuloy ni Candy, “si Jerald ‘yung ka-love affair ko, siya ‘yung long time boyfriend ko na sobra ‘yung pagmamahal at pagnanasa ko sa kanya.”

Maganda ang chemistry ng tatlong bida ng “Sa Haba ng Gabi” na nagsimula sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na ang dami nilang supporters.

Sinang-ayunan ito ni Jerald na baka nga raw sinagest sa casting silang tatlo nina Kim at Candy.

“Sa mismong trailer kasi ng Babaeng Walang Pakiramdam may following na kung ano ang gagawin naming tatlong magkakasama at riot kasi automatic. Regarding sa working naming tatlo, matagal na kasi kaming magkakaibigan saka theater actors po kasi kami kaya ‘yung eksena sa Babaeng Walang Pakiramdam na viral improvisation kasi alam nap o namin kung ano ang kayang ibigay ng bawa’t isa.

“Nu’ng ibigay ang project na ito at sinabing kaming tatlo ang magkakasama automatic ready kami at lalo na si direk Miko sabi niya, ‘o sige mag-input (na) kayo.’ Me ganu’n na kaagad. Siguro maraming eksena dito na nag-improve kami,” kuwento ni Jerald.

Dagdag ni Kim, “si direk Miko, sabi niya, ‘o kayo na d’yan (adlib). Ha, ha, haha.”

“Natutulog na nga lang ako sa set hinayaan ko na sila. Gigising na ako, ‘o tapos na, na-shoot na natin?’” biro naman ni direk Miko.

Say naman ni Candy, “I think nakatulong ‘yung Babaeng Walang Pakiramdam kasi we are really friends tapos the input pa from the director, talagang baliw si direk Miko. Kung may chance o sobrang tent kami no’n, gusto namin siyang pa-check up.”

Bulong daw ni Candy sa KimJe, “bakit ganito ang direktor natin, nakakatakot?”

Tawa naman ng tawa si direk Miko.

“But it was really a fun. Fun to us masaya lang talaga. Tapos ang weird lang ng oras namin kasi ang health protocols is only 12 hours, so, we start shooting at 5 hanggang 5 ng madaling araw. Gabi lang kami nagso-shoot. Baligtad ‘yung oras namin kaya pagdating ng gabi gising na gising na kami, masaya kasi magkakaibigan,” pahayag ni Candy.

Anyway, dalawang taon na ang COVID-19 pandemic at nagugustuhan na ng ilang artista ang lock-in tapings/shootings para hindi makaapekto sa pamilya nila kung magu-uwian sila pero may ilang hindi rin type.

“I think ‘yung location mas restricted, dapat gumagawa kayo ng pelikula na nandito lang ang location n’yo, ‘yan ang mga disadvantage. Possible hindi maraming big scenes. Bawal ang maraming tao.

“The advantage is people get more creative because we get to come up more ideas, more stories na kailangan ganito. We look all the rules and regulations.

“People on their toes because merong mga working hours which is very nice hindi puyat ang mga tao, maliban na lang kung sa Haba ng Gabi ang istorya mo.

“So ‘yung health din ng mga tao not only for the actors but also for the crew na naasikaso rin kaya magandang bagay din po ‘yun at alam mon a kung anong mangyayari hanggang dulo. Everything is scheduled so you can plan it.

Yun lang pag nagkaroon ng ramdom check up at may nagpa-positive, pack up lang,” pahayag ni Candy.

Anyway, magbubukas na raw ang mga sinehan sa Metro Manila ayon sa IATF, ano ang reaksyon nina Candy, Jerald at Kim dito, pabor ba sila.

“I’m excited and great news. It’s really on a positive note it’s improvement,” mabilis na sabi ni Kim.

Sinang-ayunan ni Candy ang sianbi ni Kim, “At the same time, a lot of I hope a lot of people get vaccinated, mas maraming taong bakunado bago mangyari ang lahat ng ito para maiwasan natin ang hawaan saka may safety protocols na kasama sa pagbubukas ng cinemas na hindi pa rin natin alam kung ano ang kasama nito baka kasi magbubukas ang cinemas tapos malugi naman ‘yung aircon nila kasi may fear pa rin ang mga tao, di ba?

Halos pareho rin ang sabi ni Kim na dapat nga ma-push na bakunado na lahat bago makapasok sa sinehan ang tao tulad din ng pag kakain sila sa restaurant ay fully vaccinated na lahat.

“As movie actors, it’s a good news for us kasi nakakaligaya kasi na may babalikan tayong isang bagay na nagagawa natin before pandemic,” sambit ni Kim.

Sabi naman ni Jerald, “makes sense din po sa akin. Kasi ang protocol ngayon pag pumasok ka sa airconditioned restaurant kakain ka, maghuhubad ka ng face mask, sa sinehan puwedeng hindi mo hubarin tapos limited numbers.

“Bukas nga ang gym, eh. doon nga ikutan ng ikutan. Ang sinehan ay sinehan, isa siyang experience not necessarily ako papanoorin n’yo ah, ako mismo gusto kong manood, it’s a date night.”

Dagdag pa ni Kim sana magbukas na rin ang musical plays at iba pang may kinalaman sa teatro bilang isa siyang theater actor.

Anyway, mapapanood na ang “Sa Haba ng Gabi” simula sa Okt. 29 sa Vivamax na may mahigit isang milyon subscribers na produced ng Viva Films at Reality Entertainment.

Read more...