MULI na namang tumalak ang pambansang sawsawera na si RR Enriquez at ang target ng kaniyang post ngayon ay ang mga artistang nagpakita ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang presidente sa 2022 elections.
Ilan sa mga artistang nagpahayag ng suporta ay sina Angel Locsin, Liza Soberano, Nadine Samonte, Jolina Magdangal, Agot Isidro, Enchong Dee, Gary Valenciano, Sharon Cuneta, at marami pang iba.
Talak ng dating dancer ng “Wowowin”, sana raw ay nirespeto ang pink ribbon na tanda ng Breast Cancer Awareness.
“Ang daming color na pwede pag pilian. Pink pa talaga. Hindi man lang mga nag isip…
“I know there’s a lot of color na ginagamit sa breast cancer awareness but mainly pink ribbon talaga. So when I saw that ribbon post, yung breast cancer awareness agad naisip ko.
“Super insensitive para sa mga taong lumalaban sa buhay nila ng dahil sa cancer,” sey ni RR.
Pinatutsadahan rin nito ang mga artista at mga influencer na nag-post ng “pink” na insensitive.
“Yung ibang mga artista, influencer na nag post ng Pink sana huwag din tayong insensitive. Ok lang isupport nyo sya as your President. Pero not to the point na may sasagasaan or ididisrespect.
“Tapos yung iba ang lakas ng loob nyo mag post ng Pink pero yung tunay na meaning nyan as breast cancer awareness ni hindi nyo mapost at masupport!!!” dagdag pa niya.
Marami naman sa netizens ang naimbyerna this time at hindi natuwa sa mga sinabi ng dating dancer at TV personality.
Palibhasa raw ay ibang kandidato ang sinusuportahan niya kaya malaki ang inis niyo sa mga artistang sumusuporta kay VP Leni.
“Te halos lahat po ng cancer may color wag po maghanap ng butas porke si BBM ang gusto,” comment ng isang netizen.
“If you like other presidential candidate, go for it! Pero wag mo din pigilan ‘yuny iba na suportahan yung gusto nila,” sey naman ng isa.
“‘Yung ibang artist na nagpost related to pink doesn’t mean insensitive. Ikaw yata ang insensitive at mean, RR, dahil lang hindi kayo magkatuladcng political views nagpost ka na ng ganyan,” saad ng isa pang netizen.
Sa naganap na press conference nina VP Leni at ng running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan ay ipinaliwanag nito ang ibig sabihin kung bakit pink ang associated color sa kaniya.
“‘Yung pink ngayon ay siya ‘yung lumalabas na global symbol of protest and activism,” saad ni VP Leni.
Matatandaan na ipinahayag na nito na ang kaniyang mga sinusuportahan sa pagtakbo sa pagka-presidente ay sina Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Bongbong Marcos.
Marami tuloy ang nagsasabi na kaya siya nagagalit ay dahil bumubuhos ang suporta ng mga celebrities kay VP Leni samantalang umuulan naman ng batikos ang mga sinusuportahan niyang kandidato.
True nga kaya ito?
Bukas ang BANDERA para kay RR sakaling nais niyang ipaliwanag ang kaniyang panig ukol sa isyu na ito pero for sure, mababasa na lang natin sa kaniyang IG account ang kaniyang pahayag dahil doon naman siya talaga madalas sumawsaw at tumalak.