Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join

Nikko Natividad

MARAMI ang na-shock sa ipinost ni Nikko Natividad ng Hashtags sa Twitter.

Nakakaloka naman kasi ang tweet niya na ipinost rin niya sa kanyang Instagram account.

“Madlang pipol survey lang po. Anu ang mas gusto ng mga babae? A. mamahaling sing sing o B. Mahabang ut*n.”

‘Yan ang nakakalokang tweet ni Nikko na marami ang nag-react dahil ang tingin nila ay may kabastusan ito.

“Mamahaling Singsing hindi mo nman maisanla yan ut*n Nikko practical tayo ngaun hahaha.”

“Sa totoo lang tayo, mahabang ut*n.”

“Ltter A, bonus pack na yong B. bweseeet ka talaga.”

“Naku ang hirap ng katanungan mo. Parehas silang maipagmamalaki, pero kase ang singsing maisusuot lagi pero yung isa maipapasok lang lagi, pero ang hirap talaga, naguguluhan na rin ako. Hayurf ka pa po Niko, hahahahaha.”

“Sa singsing na lang muna ako kasi hindi naman nasasangla ang malaking UT*N.”

“Mamahaling singsing tas ang magbigay may mahabang ut*n hahahahahahaha send gcash tama ang sagot ko kuya @hashtag_nikko.”

* * *

Pikit-matang susunod si Mira (Andrea Brillantes) sa sindikatong umampon sa kanya bilang kapalit ng kaligtasan niya sa mga tumitinding eksena sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel.

Dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay, kailangang matutong magnakaw ni Mira para patunayan ang katapatan niya sa sindikatong pinamamahalaan nina Thelma (Andrea Del Rosario) at Armand (Richard Quan).

Ngayon, abala si Mira sa paghahanda para sa bago niyang misyon sa tulong ni Elias (Christopher de Leon) at ng mga kapwa niya ampon.

Nagdurusa si Mira ngayon sa bago niyang pamilya na inakala niyang magliligtas at magpoprotekta sa kanya. Napilitan kasi siyang sumama sa kanila dahil sa pagbabantang natanggap niya na papatayin ang kapatid niyang si Joy (Francine Diaz) kung hindi siya aalis ng Hermoso.

Patuloy namang lumalakas ang pwersa ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) sa Hermoso. Pero patuloy ring sinasabotahe ni Joy ang pag-angat ni Deborah sa panggugulo nito kasama sina Rafa (Kyle Echarri) at Pio (Seth Fedelin) bilang paghihiganti sa ginawa nito sa kanyang pamilya.

Makatakas pa kaya si Mira mula sa kalupitan ng sindikato? Paano pababagsakin ni Joy ang makapangyarihan niyang tiyahin?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live.

Read more...