Jake imbiyerna sa epal na netizens na pumuna sa tawag ni Ellie kay Philmar | Bandera

Jake imbiyerna sa epal na netizens na pumuna sa tawag ni Ellie kay Philmar

Therese Arceo - October 07, 2021 - 06:26 PM

COOL dad, ganyan kung ituring ng netizens ang aktor na si Jake Ejercito sa kaniyang anak na si Ellie.

Marami kasi ang aliw na aliw sa kung paano napapanatili ng dalawa ang kanilang magandang relasyon sa kabila ng malayong distansya sa isa’t isa.

Bukod rito ay naaaliw ang mga netizens sa mga conversations ng mag-ama na pinopost ni Jake sa social media.

Sa latest post ng aktor ng screenshot ng kanilang usapan, ibinahagi ni Ellie na makikita niya sa personal ang gold medalist na si Hidilyn Diaz kasama ang kaniyang mommy na si Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo.

Marami sa netizens ang nakapansin at pumuna sa paraan ng pagtawag ng bata sa partner ng ina.

Diretsahan kasing tinawag ito ni Ellie ng “Philmar” kaya may may mga netizens ang napataas ang kilay at kinuwestyon ang ginawa ng bata.

Puwede naman daw na turuan o sabihan ni Ellie ng “Tito” si Philmar. Bakit raw hinahayaan ng mga magulang na ganon ang itawag sa ama ng mga kapatid niya.

“Some people really making a fuss about whom Ellie calls what. Problemahin natin kung paano patatakbuhin si Leni,” bwelta nito sa mga pumupuna sa anak noong Oktubre 5.

Kung may nangba-bash ay mayroon ring nagtanggol kay Ellie at sinabing okay lang naman ito. Sadyang hindi lang daw sanay ang mga Pinoy sa ganoong set up.

“Don’t make an issue out of that, respect isn’t measured over one’s petname,” pagtatanggol ng netizen.

Wala naman nang sumunod na pahayag ang aktor ukol sa isyu.

Mukha rin wala na itong poproblemahin ngayong pormal nang naghain ng certificate of candidacy sa pagkapangulo si VP Leni Robredo.

Pero hindi naman natin alam kung bakit nga ba ganun ang naging tawag ni Ellie kay Philmar. Wala rin naman atang problema kung tawagin siya ni Ellie sa kaniyang pangalan dahil sigurado namang may ginawa nang aksyon si Andi kung di komportable ang surfer sa tawag ni Ellie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mahalaga ay maayos sila at maayos nilang nagagawa ang kanilang responsibilidad sa kanilang anak kahit na ano pa ang maging tawag nila sa isa’t isa.

Ervin Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending