Nicole emosyonal sa ‘paghihiwalay’ nila ni Mark: OMG! Nakakaiyak pala yung ganito…

Mark Herras, Nicole Donesa at Baby Corky

PAREHONG naging emosyonal ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa nang “magkahiwalay” sila sa kauna-unahang pagkakataon.

Kailangan na kasing umalis ng bahay ang Kapuso actor at iwan pansamantala ang kanyang asawa at anak na si Baby Corky para sa lock-in taping ng bago niyang proyekyo sa GMA 7.

Ayon sa Kapuso couple, ito ang unang pagkakataon na magkakalayo sila nang medyo matagal dahil nga mula nang magkapandemya ay nakakulong lamang sila sa bahay at puro work from home.

Sa bago nilang vlog, hindi naitago ni Nicole ang nararamdamang lungkot sa pag-alis ni Mark at inaming nami-miss na niya agad ang asawa hindi pa man nagtatagal ang pagkawala nito.

Sa simulang bahagi ng kanilang YouTube video ay mapapanood muna ang masaya nilang pagba-bonding sa isang restaurant kasama ang ina ni Nicole. 

Ngunit pag-uwi na nga nila sa bahay ay kapwa naging emosyonal na ang mag-asawa lalo na nang mag-impake na ng kanyang mga gamit si Mark.

Aniya sa kanyang misis, “I don’t know, I’m excited to work, but I don’t wanna leave the house.” 

Si Nicole ang naghatid kay Mark sa pupuntahan nitong location ng production kinabukasan kaya siya na rin ang nag-drive pauwi sa kanilang bahay.

Kuwento ng Kapuso actress, “That was actually the first time I drove by myself after such a long time. Oh, my God, nakakaiyak pala yung ganito.” 

Aniya pa, “Ever since Corky became so makulit na and so active, we started sleeping here in the play pen and si Mark, eto yung pwesto niya, katabi niya si Corky. Ayan oh! Ayan ‘yung kumot niya.”

“Hala, bakit ganoon kapag nakikita ko yung mga gamit niya naiiyak ako?” ang naluluha nang pahayag ni Nicole.

Ngunit aniya, kailangang labanan niya ang kanyang nararamdaman para hindi siya masyadong maapektuhan ng pansamantalang pagkawala ni Mark.

“Okay, I have to pull myself together, I still have work to do, some errands to do. I cannot just stay like this,” ayon pa sa aktres.

In fairness, hindi rin nagpahuli si Mark sa pagbibigay ng update sa mga kaganapan sa buhay niya habang naka-quarantine sa isang hotel.

Gumawa rin siya ng vlog para ibahagi ang nangyayari sa kanya habang naka-quarantine, at dito nga niya inamin na super miss na miss na rin niya ang kanyang mag-ina.

“This is my first time to be gone for more than a month without Corky and Ico. It’s hard, I just want to sleep para mas mapabilis ang araw ko.

“May work na naman ako, so it’s okay to just have to sacrifice ang ibang oras with my family, with my Ico and Corky. I’m sure its gonna be worth it naman,” pahayag ng Kapuso actor.

Kung matatandaan, nagpakasal sa pamamagitan ng isang civil ceremony sina Mark at Nicole nitong nagdaang Sept. 8. 

Read more...