Arnold Clavio pumalag na sa kumakalat na fake news: Hindi ko na po matiis!

HINDI na napigilan ng Kapuso broadcaster na si Arnold ang mag-react sa kumakalat na fake news sa social media at ginamit pa ang logo ng “24 oras”.

Isang fake news kasi ang kumakalat kug saan ginamit nito ang screengrab mula sa naturang show na may headline na “Mga siklosya, pwede nang mag long ridebasta huwag lang silang lalayo.”

Bagamat halata ang sarcasm sa naturang post ay marami pa rin ang naniniwala sa naturang fake news at marami rin ang mga netizens na patuloy na nagkakalat nito.

“Hindi ko na po matiis. Ilang beses na rin na pabalik-balik sa akin ang post na ito. Sasabihin ko po na ito ay malinaw na fake news,” saad ng broadcaster sa kaniyang IG post.

Sinabi pa nitong bisitahin ang kanilang official pge para raw hindi naliligaw ang netizens.

“Ang nakakagulat maraming naniwala sa sektor ng mga siklista. Common sense Team Bulalo, sa caption pa lang ‘long ride’ tapos huwag lalayo?

“Kaya pakiusap, huwag na pong ikalat,” dagdag pa nito.

Naka-tag rin sa post ang kasamahan nitong si Pia Arcangel na kasama sa kumakalat na screengrab.

Hindi naman ito ang unang beses na nagamit ang mga screengrab ng mga news show na naglalaman ng fake news.

Talamak na ito sa social media at minsan pa nga mismong style ng art cards na ipinapalabas ng mga news outlet ay ginagaya para sa paggawa ng “satire” posts.

Basta talaga mga Pinoy, kay gagaling sa mga kalokohan.

Manatiling mapagmatiyag sa mga nakikita sa social media at huwag basta bastang maniniwala sa mga fake news.

Ugaliing i-check muna ang mga official news sites gaya ng Inquirer.net para makasigurado na legit ang balita bago ito i-share sa inyong social media accounts.

Read more...