Lolit nag-react sa interview ni Mark; sinabing walang masama sa pag-utang

NABUHAY na naman ang isyung namamagitan kina Mark Herras at sa dating talent manager nitong si Lolit Solis.

Kamakailan ay lumabas ang naging panayam ni Pia Archagel kay Mark Herras kung saan napag-usapan ang kontrobersyal na pangungutang niya ng P30 thousand.

Magalang namang ipinaliwanag ng aktor na walang katotohanan na nangutang siya pambili ng gatas para sa anak dahil nga nagbe-breastfeed ito.

Dagdag pa niya, tulad ng ibang managers, marahil ay gumawa lang ng ingay si Manay Lolit dahil tahimik ang pangalan ni Mark.

Ngunit hindi lang niya ito nagustuhan dahil nadamay ang kaniyang anak. Hindi rin daw totoo na nanghiram siya ng pera at baka raw ang tinutukoy ng dating manager ay ang mga hinihiram niya noon.

Nagpasalamat rin ito kay Manay Lolit at inaming isa ito sa mga naging daan para maabot niya ang kinalalagyan sa kasalukuyan.

Nag-react naman si Manay Lolit sa kaniyang online show at sinabing wala naman raw masama kung nangutang.

“Kaya nga nagtataka ako sa reaction [ng mga tao] na bakit napaka-violent na para bang isang napakalaking kahihiyan na ang pangungutang. Eh kahit sino naman may utang.

“Ang nakakainis, maliit lang ‘yung inuutang. Doon naman talaga ako nagalit. ‘Di ba sa panahon ngayon, kailangan meron kang konting tabi… tapos ganitong klaseng pera lang wala ka,” sey ng talent manager.

Anyway, ang mahalaga ay okay na silang dalawa sa kani-kanilang buhay at kung true man na nais lang ni Manay Lolit na umingah muli ang karera ni Mark ay nagtagumpay naman siya. ‘Yun nga lang ay nauwi ito sa paghihiwalay nila ng landas.

Read more...