MayDon fans nakiusap kina Maymay at Donny: Masaya kami kahit delulu lang…

Donny Pangilinan at Maymay Entrata

MAY chika palang nag-surface na nagli-link romantically kina Maymay Entrata at Donny Pangilinan.

With this ay nagpasya si Maymay na klaruhin ang chismis.  She said it was bereft of truth at isa itong fake news. 

“Gusto kong mag pasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sakin since day one. Sa lahat ng MayDon fans thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan saaming dalawa. Sana ma stop po ang pag spread ng rumors about samin. Maraming salamat po.”

That was Maymay’s tweet to end the speculation na may romantic thing between her and Donny.
Siyempre, marami ang nag-react.

“Kinikilig ako sa mayward NOON PERO MAS KINIKILIG AKO SA MAYDON NGAYON. hayaan mo na lang kami mga MAYDON FANS bebe MM, masaya kami kahit delulu lang. Mga HAPPY SHIPPERS KAMI. I LOVE YOU BEBE MM.”

“Ung ang ganda ng basa ko kc na nabanggit ang MayDon fans. Tapos tapos…Huhu. Kire lang May. Labyu padin. Susuporta padin ang buong MD fans kahit FRIENDS lang kau.”

“Thanks May for clarifying this issue we hope that they give you respect if they truly support you in all aspect and congrats May to your upcoming concert and as promise as a #MayWard Flyer we support and love you in all your works Soar High Our Princess Maymay Entrata.”

“Pwede naman #MayDon pero wala namamagitan! Parang #MayBi, wala din naman namamagitan! Dami mo iniisip May. Yaan mo lang yan sila. The truth will set you free di ba. Kung ang truth ay wala talaga, eh di chill lang. Sunflowerlab yah! More blessings pa for you bebe gorl!”

* * *

Malapit na ngang magsimula ang inaabangang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition dahil handa nang ipakilala ni Kuya ang mga napiling celebrity housemates simula ngayong araw (Okt. 6). 

Ito ang announcement na ginawa sa weekend show na “PBB Kumulitan” ni “PBB” alumnus Sky Quizon kasama sina “PBB Connect” alumni Amanda Zamora, at Ella Cayabyab. Inilahad ng tatlong ex-housemates na ang ibig sabihin ng “BC” na inilabas sa social media ay “Biga10 Celebreveal.” 

Magaganap ang pagpapakilala ni Kuya sa kanyang bagong celebrity housemates sa iba’t ibang online platforms kaya inaanyayahan ang lahat na tumutok ang lahat sa Kumu, Facebook, Instagram, at Twitter accounts ng “PBB.” 

Ipinasilip na rin ni Kuya ang isang larawan na pinapakita ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng celebrity housemates. Sino-sino kaya sila? 

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Read more...