Sunshine Guimary, Andrew E at AJ Raval
DUMEPENSA ang tatlong bida ng bagong sexy-comedy movie ng Viva Films na “Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan” laban sa mga nagsasabing puro kabastusan lang daw ang mapapanood sa kanilang pelikula.
Sa nakaraang virtual mediacon ng Vivamax para sa nasabing pelikula, natanong sina Andrew E, Sunshine Guimary at AJ Raval kung ano ang masasabi nila sa mga nangnenega sa bago nilang proyekto.
Ani AJ, “Ang reaksiyon ko po sa mga nababastusan, to be honest, wala po akong reaksiyon. Wala po akong pakialam sa mga negative comment. Basta focus lang po ako sa mga positive comment.”
Sey naman ni Sunshine, “Sa mga nagko-comment na bastos ‘yung mga sexy film, masasabi ko naman na itong pelikula namin ay hindi kabastos-bastos.
“Hindi nila makikita ‘yung sinasabi sa movie na shoot-shoot, kundi good vibes, katuwaan lang. Kahit paano ma-lift man lang ‘yung sadness ng mga tao ngayong pandemya.
“Panoorin nila ‘yung pelikula namin, para sila na ang makapagsasabi na hindi talaga bastos ang ‘Shoot! Shoot!’ at talagang mag-i-enjoy sila rito,” pagtatanggol pa ng sexy star sa “Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan.”
Ito naman ang reaksyon ni Andrew, “Ang mga tao naman, malayang sabihin kung ano ang gusto nilang sabihin, kung anong gusto nilang i-comment.
“Pero ako, naniniwala na hindi naman sila nababastusan sa mga sexy-comedy films na ginagawa ko. In fact, nate-turn-on pa nga sila sa akin,” ang natatawa pang pahayag ng singer-rapper at komedyante.
Ang titulo ng upcoming movie ng Vivamax na idinirek ni Al Tantay ay hango sa kanta ni Andrew E na naging TikTok trend. In fairness, trailer pa lang nito ay umani na ng milyun-milyong views.
Ayon kay Andrew, naniniwala siya na na-miss ng publiko ang mga sexy-comedy films, “Number one, may malaking bidang salita na na-create noong pandemic, and that is boredom. Dahil na-restrict ang lahat ng galaw ng mga tao, so boredom ang na-create, na parang pinaka-scenario sa lahat, kundi man sa karamihan.
“Kaya sa boredom na ‘yun, naghanap ng flavoring ang mga tao kung paano sila mai-entertain kahit nasa bahay sila. ‘Di ba, nauso at lumakas ‘yung Netflix? Sa ibang bansa naman, ‘yung iba-ibang mga streaming.
“So, sa Pilipinas, ganoon din, hinanap din ‘yung flavor na ‘yan. Kaya nagkataon, itong ating mahal na company na Viva, ay nakagawa o naka-create ng ganoong ability to cure that boredom sa ating mga Filipino. And that’s started it all,” sabi pa ng komedyante.
Katwiran naman ni Sunshine, ”Siguro sa akin, yung reason, lahat ng tao naka-cellphone na, kahit anong oras compared before na wala pang social media at all.
“Ngayon kasi, parang ‘di ba. lahat, mapa-bata, may edad, anong gender ka pa, lahat nakatutok sa cellphone? Siguro ‘yun ‘yung nakita ng Viva na advantage o idea, kaya ginawa nila ‘tong ganitong platform,” aniya pa.
Sey ni AJ, “Yun pong sinabi ni Ate Sunshine, tama po ‘yun. Lahat po ng tao, may cellphone na po, may internet. Lalo na po ngayong parahon ng pandemya, lockdown, walang ibang pinagkakaabalahan ‘yung mga tao, nasa bahay lang po.
“Siguro po, roon po siya naging trend. Ayun din po ‘yung advantage siguro ng pandemya ngayon, kung titingnan po natin sa positive side. Kaya po siguro nag-trending ‘yung nga ganitong klase ng movie, bumabalik po,” dagdag pa ng dalaga.
Mapapanood na ang “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan!” simula sa Oct. 8 sa Vivamax. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net.