Manilyn Reynes, Michael V at Bert de Leon
NANAWAGAN ang mga Kapuso stars na sina Michael V at Manilyn Reynes ng tulong at suporta para sa beterano at batikang ditektor na si Bert de Leon.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang multi-awarded comedian tungkol sa health condition ng direktor at ng fundraising campaign na kanilang sinimulan.
Tinamaan ng COVID-19 si Direk Bert at ilan nga sa mga katrabaho at kasamahan nila ang nakaisip na magsagawa ng fundraising event para makatulong kahit paano sa veteran director.
Mensahe ni Bitoy na isa ring COVID-19 survivor, “Bert de Leon is the director of #EatBulaga, #PepitoManaloto and #BubbleGang for the longest time. He’s handled top rating shows throughout his and our lifetime; a lot more than you can imagine! (Google it and you’ll be surprised!).
“He unfortunately contracted COVID last month and has been in the hospital since then.
“Some of his friends decided to produce a fundraiser for him. If you wish to participate, checkout the details in the photo. Feel free to SHARE this with your friends!” pahayag pa ng komedyante.
“Featuring some of the finest and brightest stars whom he helped shine-from the music, entertainment, and showbiz industry,” ang nakasaad naman sa infographics na ipinost ni Michael V.
Ni-repost din ni Manilyn sa Instagram ang detalye ng fundraising event para kay Direk Bert, aniya sa caption, “For our good friend, Direk Bert. Sa October 10 ng 8PM, Manila time ito.
“Nasa photo po ang detalye, para sa inyong mga gustong maging bahagi. At sana mai-share niyo rin po sa mga kaibigan niyo. Salamat po,” sabi pa ng aktres at singer.
Si Bert de Leon ang direktor ng ilang top-rating show ng GMA, kabilang na ang “Bubble Gang,” “Pepito Manaloto”, at “Eat Bulaga.”
Napapanood naman sina Bitoy at Manilyn bilang narrator sa prequel ng “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” na napapanood tuwing Sabado.