Mariel Padilla at Robin Padilla
MAS tumindi pa ang pagiging conscious ngayon ng TV host-actress na si Mariel Padilla sa pangangalaga sa kanyang kalusugan para na rin sa asawang si Robin Padilla at mga anak.
Hindi na rin daw kasi siya bumabata at kailangang triplehin pa ang effort sa pagbabantay sa sariling kalusugan upang maalagaan din niya nang mabuti ang kanyang pamilya.
Sa ngayon, binabantayan at regular daw niyang mino-monitor ang kanyang blood sugar matapos base sa resulta ng isinagawang blood test sa kanya, nasa borderline level na raw ito na maaaring mauwi sa diabetes kapag napabayaan.
Dahil nga rito, talagang kinakarir ni Mariel ang pagbabantay araw-araw sa sugar intake para mapababa muli sa normal level ang kanyang blood sugar.
“Pero minsan, aminin natin, mahirap talaga, especially the carbonated or flavored drinks. Nauuso ngayon ang zero sugar na carbonated drinks,” pahayag ng misis ni Binoe nang mag-guest sa “Usapang Puso sa Puso” ng Philippine Heart Association (PHA).
Nabanggit nga ni Mariel ang ilan sa mga carbonated drinks at tinanong ang nutritionist na si Dr. Tin Reyes kung healthy nga ba ang ito, “When they say, ‘zero sugar’ for carbonated drinks, is that safe?”
Sagot ng doktor, “Artificial sweeteners are not natural. They have no calories or even just a few calories for some. They are often marketed as sugar-free and everybody thinks it’s all about the calories.
“The ones approved by the FDA (Food and Drug Administration) are aspartame, saccharine, sucralose and we also have the Stevia, Splenda. In terms of blood sugar and maybe calories, it can decrease the amount of sugar and the calories,” paliwanag pa niya sa iniulat ng ABS-CBN.
Sabi pa ng nutritionist, “Many bad food can cause dysbiosis (eating unbalanced food). If you look at artificial sweeteners, it will indirectly lead to dysbiosis which is the changes in micro-biota.”
Dagdag pa niyang paliwanag, “If you want to control sugar every now and then, you need to eat food that develop gut-microbiota, like vegetables.”
Bukod kay Mariel, ang iba pang celebrities na present sa PHA virtual forum para sa World Heart Day celebration ay sina Lani Misalucha, Ai Ai de las Alas, Meryll Soriano at Megan Young.
Samantala, sinabi rin ni Mariel sa isang panayam na hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa kanya ng asawa dahil hanggang ngayon ay maasikaso at sweet pa rin ito sa kanya.
Kaya naman todo ang pasasalamat niya kay Robin dahil habang tumatagal ay mas lalo pa itong napapamahal sa kanya sa kabila ng ilang mga pagsubok na dumarating sa kanila.