IBINAHAGI ni Janus del Prado na nabiktima siya kamakailan ng isang scam.
Bagamat maliit na halaga lng daw ang nakuha sa kaniya ay malaki na ‘yun lalo na’t mahirap ang buhay ngayong pandemya.
“Nagmamadala na kasi ako lumipat kasi I overstayed… kung saan ako nakikitira. Basta. Reasons. Hay. So nung may ad ako na nakita na 5k lang rent eh kinagat ko na. Nakuhanan ako ng reservation fee na 1,500.
“Pagdating ko dun kanina sabi ng may ari nung lugar scam daw. Hay ulit. Sa dami ng pinagdaraanan ko ngayon parang dapang dapa ka na sinisipa sipa ka pa,” kuwento nito.
Worry pa ng aktor, nakuha raw kasi ng scammer ang real name niya at email address.
At dahil hindi niya alam kung paano ipapahuli o ire-report ang scammer ay ipinost na lang niya ito para magsilbing warning sa madlang pipol.
“Any ad na ang lugar ay sa gracepoint at si kuya ang makausap niyo eh scam,” sey nito sa post na may litrato ng scammer na Jay Tolentino ang pangalan ngunit hindi siya sigurado kung ito talaga ang scammer dahil baka gumamit ito ng ibang litrato para makapangloko.
Nag-comment naman ang aktres na si Arlene Muhlach sa post ng aktor.
“I messaged you thru sms via your old #. Did you get it?” tanong ng aktres.
Sa kabila ng mga bashers ng aktor ay bumuhos naman ang pag-aalala ng netizens para sa aktor.
“Nagkalat po scammer ngayon. Ingat na lang po next time,” comment ng isang netizen.
“Ipa-NBI mo siya at sana maibalik din ng padalahan pera mo pa rin yun but sabi nga kung nawalan ay lalong pagpapalain. Stay safe and be strong and wag tumambay kay stress,” sey pa ng isang netizen.