PATULOY pa rin ang panghihikayat ng mga celebrities at social media influencers sa madlang pipol na magparehistro para makaboto sa darating na halalan ngayong Mayo 2022.
Isa na nga rito ang kilalang vlogger at asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heusaff.
Sa kaniyang Instagram account, hinikayat nito ang mga hindi pa rehistrado na ‘wag palampasin ang pagkakataong magparehistro lalo na’t extended ang voter registration mula Oktubre 11 hanggang Oktubre 30.
“Lines are long but it’s worth it!” saad ni Erwan.
Amin rin niya, dumating sa puntong hindi niya maramdaman kung counted ba ang kaniyang boto lalo na at talamak ang isyu ng dayaan sa tuwing halalan ngunit ang nangyaring eleksyon noong 2016 ay naging patunay para sa kaniya na counted ang kaniyang boto.
“However 2016 showed us that votes did count and it’s our duty as citizens to take part in this right,” sey niya.
Dagdag pa niya, sa ngayon ay hindi pa niya alam kung sino ang karapat-dapat iboto dahil inaantay pa niya ang lahat na magpahayag ng kanilang pagtakbo at kung anu-ano ang kanilang plataporma.
Hiling rin niya na sana ay mas maging mapagmatiyag ang madlang pipol sa pagboto.
“I really hope we stay away from personality politics and base our decisions on track records and what platform each candidate is running on. Think of it as a job interview, what would you ask the candidate, what prior experience would you look for? what background checks would you do, what would convince you? Which references would you check?” pagbabahagi niya.
Giit pa niya, sana raw ay iwasan na ang “shouting at trolling” at sa halip ay i-educate na lamang ang bawat isa.
“If someone doesn’t vote the same way as you do that doesn’t make them wrong. Maybe they have a different perspective and have their reasons.
“You’ll never convince someone to see what you see by shouting at them. Reach out to people from other parts of the country to understand their realities and experiences. Then maybe you can help people decide based on facts and research,” pagpapatuloy niya.
Aniya pa, “At the end of the day, your vote should reflect what you want for yourself, your community and your country, it’s a personal decision with national implications.”
On point naman ang statement ni Erwan. Sa ngayon ay kjnakailangan talaga nating mas i-educate ang mga tao na maging matalino sa pagboto.
Dapat ring seryosohin ng madlang pipol ang pagboto dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Nasa kamay natin ang kapangyarihan para mabago ang kasalukuyang sistema.
Kaya huwag kakalimutang magparehistro at bumoto!