KAMAKAILAN lang nang mag-trending ang Kapamilya actress na si Liza Soberano matapos itong umapela sa Senado na ipasa ang “End Child Rape” bill na naglalayong itaas ang edad ng sexual consent sa Pilipinas mula sa edad na 12 ay gawin itong 16 years old.
“Raising the age of statutory rape will drastically make it easier for these victims to seek and attain justice. We call on the Phillipine Senate to resume the deliberation of the ‘End Child Rape’ bill now,” saad ng aktres.
Ibinahagi rin niya ang mga datos mula sa women and children protection units na karamiha sa mga kaso ng child rape ay gawa ng mga kapitbahay, kamag-anak, at mismong mga ama ng bata.
“We can do so much better than this. Please do it for the next generation og yputh. We need to protect them at all [costs]. They are our future!” dagdag pa nito.
Mukha namang nadinig ng senado ang panawagan na #EndChildRape dahil inaprubahan na nito ang nasabing bill na naglalayong proteksyunan ang kabataan laban sa sexual abuse and exploitation.
Labis naman ang pasasalamat ng aktres at UNICEF ambassador na si Anne Curtis sa mga mambabatas.
“I wanna say thank you to our senators for taking this step for every child in the Philippines and thank you to every single advocate who is supporting this bill,” saad ng aktres.
“No child should ever have to re-experience trauma nor feel neglected when seeking justice. We are moving closer to turning this bill into law.
“I’m in high hopes that our senators and members of the House of Representatives will immediately take the next steps to convene the bicameral conference committee, approve the final version of the bill and to have this finally signed into law. Let’s do this for every child,” dagdag pa ng aktres.