‘Cheesy workout’ nina Matteo at Erwan pinagtsismisan; hiwalayang Max-Pancho fake news

VIRAL ngayon sina Erwan Heusaff at Matteo Guidicelli matapos kumalat ang diumano’y “sweet” workout video nila together.

Sa nasabing video kasi ay pabirong hinawakan ni Erwan ang kamay ni Matteo at nakipag-eye to eye pa sa aktor pagkatapos ay nagbuhat ng dumbbell.

“When inspiration is needed, @erwan gives it,” caption ni Matteo sa video.

“The power within,” reply naman ni Erwan.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw at tila may mga kinilig pa sa ginawa ng dalawa.

“Hold hands and eye to eye contact lol!! Lakas,” comment ng isang netizen.

“Yung nagdapo ang kanilang mga palad at sila’y nagkatitigan. Bakit kinikilig ako,” sey ng isang netizen.

“Uy may spark, may chemistry,” hirit pa ng isa.

Mas lumalim naman ang pagkakaibigan ng dalawang parehas na may naggagandahang mga asawa matapos maging mag-workout partners.

* * *

NILINAW naman ng aktres na si Max Collins na nananatili silang masaya ng asawang si Pancho Magno sa kabila ng mga intrigang hiwalay na sila.

Hindi na kasi matapos-tapos ang isyu ng dalawa simula nang magkahiwalay nilang ipinag-diwang ang kaarawan ng kanilang anak.

“I really wanted to address the issue because Pancho and I have talked about how, for now, he’s giving me time to prioritize my career.

That means, on social media, we’re quiet and we have our own branding as actors,” paglalahad ng aktres.

Nagpapasalamat rin siya sa kaniyang asawa dahil sinusuportahan siya nito sa mga nais niyang gawin at naiintindihan siya nito.

“I really don’t have to explain things to people I suppose because that’s our personal life. We’re happy and that’s all that matters,” dagdag pa niya.

Read more...