Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

Michelle Vito at Miles Ocampo

MAPANGAHAS at kontrobersyal ang pagbibidahang episode nina Miles Ocampo at Michelle Vito sa longest-running drama anthology sa bansa na “Maalaala Mo Kaya”.

Gaganap na magdyowa ang dalawang Kapamilya actress upang bigyang-buhay ang love story ng flight attendants at YouTube content creators na sina Tanch Lobete at Sarah Garcia. 

Ayon kay Miles, isang matinding challenge ang hinarap niya sa pagganap bilang Sarah dahil first time nga niyang gagawin ito.

“Nu’ng in-offer po sa akin ‘yung role, sobrang excited ako kasi nga first time ko pong gumawa ng ganitong klaseng role.

“Actually since meron nga po silang vlogs, pinanood ko po ‘yung mga vlogs para makita kung paano sila sa isa’t isa. And of course with the help of our director and si Michelle, teamwork po ‘yung ginawa namin,” ani Miles.

Paliwanag pa ng dalaga, “Sa akin ‘yung role, hindi ako nag-question. Ang tinanong ko kung sino ang makaka-partner ko. Kasi kahit maganda ‘yung story, kapag hindi ka komportable sa kasama mo or alam mo na mahihirapan ka, mahirap gawin ‘yung story.

“Nu’ng sinabi sa akin na si Michelle, na-excite na ako and siyempre hindi po maiiwasan na matatawa kami ni Michelle sa eksenang ginawa namin. First time namin to do ‘yung role na ganito po.

“With the help of our director, sinasabi naman niya sa amin na ‘yung sincerity dapat makita. Kasi eventually lalabas ‘yung pagmamahalan and kilig, lalabas sa story,” sabi pa ni Miles.

Para naman kay Michelle, “Kasi ang laking bagay na kakilala mo and kaibigan ‘yung partner mo lalo na sa mga ganitong eksena. May mga scenes kami na mga titigan na malapit. 

“Ang laking bagay na kaibigan mo ‘yung partner mo sa ‘MMK’ kasi wala na ‘yung awkwardness. With Miles, komportable na ako. And of course si direk, lagi kaming gina-guide,” dugtong ng aktres.

Sa tanong kung ano ang natutunan nila sa love story nina Sarah at Tanch, sagot si Miles, “Nagkaroon po kami ng chance ma-meet sila. Kahit anong itanong namin, at the end of the day, ang sagot nila, ‘Kasi love namin ang isa’t isa.’ 

“So parang this story, grabe pinakita ‘yung unconditional love ng isang tao and kung ano ‘yung kaya mong gawin para dun sa partner mo,” sey pa niya.

Sagot naman ni Michelle, “Marami tayong mga experiences sa love, minsan hindi talaga nagwo-work out pero dadating ‘yung time na maayos din lahat and dadating yung tamang tao para sa atin na magbibigay ng love na deserve natin.” 

Ang nasabing “MMK” episode ay mapapanood sa Oct. 23 sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. 

Read more...