Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…

Arjo Atayde

“I CAN’T do what he did but I can only try my best.” 

Ito ang reaksyon ni Arjo Atayde nang ihayag na ng ABS-CBN ang kanyang pagbibida sa remake ng pelikulang “Sa Aking Mga Kamay”.

Ito ang 1996 suspense-thriller movie na pinagbidahan noon ni Aga Muhlach. Isa siyang serial killer sa kuwento na nag-iiwan ng bulaklak na katleya sa lahat ng nagiging biktima niya.

“The Rebirth of the Cattleya Killer” ang magiging titulo ng seryeng gagawin ni Arjo ngayong 2021 na intended for international release.

“First of all ABS (CBN) never failed, never fails to surprise me all the time with all these characters, ‘no. 

“Once again, I’m very thankful and overwhelmed sa lahat ng ibinibigay nilang mga proyekto especially this (The Rebirth of the Cattleya Killer),” saad ng aktor sa panayam ng “TV Patrol” kagabi.

Sa bawa’t teleseryeng nagawa ni Arjo sa Kapamilya Network ay nag-iiwan talaga siya ng marka.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimutan bilang si Joaquin Tuazon na kontrabida ni Coco Martin sa unang taon ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Tumatak din ang role niya bilang Eli sa “The General’s Daughter” ni Angel Locsin at ang Benjo Malaya character niya sa iWant digital series na “Bagman” kung saan nanalo siya bilang Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards.

Malaking hamon nga kay Arjo ang gagampanan niyang papel sa “The Rebirth of Cattleya Killer” dahil napakahusay ni Aga sa karakter niya bilang si Gene Rivera sa original version nitong “Sa Aking Mga Kamay” na idinirek ni Rory Quintos at isinulat nina Olivia “Inang” Lamasan, Ricky Lee at Mel del Rosario produced ng Star Cinema.

Pero sabi ng binata, hindi siya nagpapadala sa pressure, “I don’t deal with pressure good (sabay tawa) medyo na-stress ako but instead hindi ko pinapansin.

“I don’t think of pressure because first of all no matter what they do Tito Aga is Tito Aga, he’s done his role, he receives the award for this as well, right?” aniya.

Ayon naman sa direktor na si Ruel Bayani, ang head ng ABS-CBN International Production and Co-Production division, si Arjo ang best choice para sa nasabing proyekto.

“He has a proven track-record of giving justice to the diverse roles he has portrayed through the years. His depth and range as an actor will definitely give a fresh take on this 1996 classic,” ani Direk Ruel.

Sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo kung sino ang makakasama ni Arjo sa “The Rebirth of Cattleya Killer” pero ang siguradong magdidirek nito ay si Dan Villegas mula sa ABS-CBN International.

Read more...