Netizens naloka sa okrayan nina Kiray at Senyora; iba pang celebs damay?

KIRAY CELIS

TAWANG-TAWA ang madlang pipol sa online bardagulan ng aktres na si Kiray Celis at ng sikat na social media personality na si Senyora.

Ito ay matapos ibandera ni Kiray na kung gaano siya kamahal ng dyowa matapos ipatattoo ang kaniyang mata sa katawan nito.

“In a scale of 1 to 10, gaano ka kamahal ng jowa mo?!

“Ngayon sabihin niyong di ako maganda! Ngayon niyo ko labanan! Eme! HAHAHAHAHAHA,” sey ni Kiray sa kaniyang post.

Kuwento pa nito, matagal na raw sinasabi ng kaniyang dyowa na si Stephen Estopia na plano niya talagang ipa-tattoo si Kiray pero hindi ineexpect ng aktres na seryoso ang dyowa niya.

Sa comment section naman ay tinag ni Kiray si Senyora at sinabing “Ngayon mo sabihin sakin na mas maganda ka Senyora??? Ano??? IMIK!!!!”

Comment naman ni Senyora, “Yoko na lang magsalita” na may kasamang picture ng braso na may tattoo ng kaniyang mukha.

Ni-reshare rin nito ang post ng aktres na may caption na ” First time mo lang maexperience Kiray?”

Sagot naman ng aktres, “Eto na naman yung number 1 basher ko… Senyora pasok! HAHAHAHAHAHAHAHA! Inggitera talaga! Wag ganun! 2021 na senyora!!!!”

Marami naman sa mga netizens ang naki-join sa okrayan ng dalawa.

“Buti pa sa tattoo may dibdib,” pang-aasar ng isang netizen kay Senyora.

Saad naman ng isa, mas hawig raw ng mata ni Senyora ang tattoo kesa kay Kiray.

Dagdag pa nila, malayo daw ito dahil singkit ang mata ni Kiray samantalang hindi naman singkit ang mata sa ipina-tattoo ng kaniyang dyowa.

Iba’t ibang celebrities na nga ang nadamay tulad na lang nina Sanya Lopez, Rabiya Mateo, at pati si DJ Jhaiho.

Hirit nila, sana raw ay ‘yung natural na mata ni Kiray at ‘yung walang make up para talagang kuha ang totoo niyang mata.

Tila naimbyerna naman si Kiray na paulit ulit ang netizens sa pagsasabing hindi naman daw niya mata ang nasa tattoo kaya napa-comment ito ng litrato niya na pinag-gayahan ng tattoo.

“Ayan na! Para matigil na ang mga marites na mosang na di ko daw mata. Pictorial namin to ni Tito Fanny. HAHAHAHAHA,” saad ng aktres.

Nag-post rin ang dyowa ng aktres ng pictures nilang dalawa na kita ang tattoo kasama ang litrato ng pinaggayahan at ang closer look ng kaniyang tattoo na may super keso na caption.

Aniya, “Mata mo palang to, sunod naman buong pangalan mo, buong mukha mo. Tapos mga anak natin. Mahal na mahal kita sobra sobra Mommy Kiray Celis!”

Anyways, sa ‘yo na talaga ang korona, Kiray. Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat. Napakahaba ng hair! Ilan na naman kaya sa mga madlang pipol ang napa-sana all sa kagandahan ni Kiray? Kabog na kabog!

Read more...