Jake Ejercito, Andi Eigenmann at Ellie Ejercito
DIRETSAHANG sinagot ni Jake Ejercito ang isang netizen na nagkomento tungkol sa pagiging magulang nila ni Andi Eigenmann kay Ellie.
Marespetong nagpaliwanag ang Kapamilya actor hinggil sa co-parenting agreement nila ng dating karelasyong aktres kung saan sinabi nitong ginagawa nila ang lahat para sa kapakanan ng anak.
Sa isang Instagram post ni Jake, makikitang magkayakap ang aktor at si Ellie. Kuha ito sa airport dito sa Manila kung saan hinatid nga ni Jake ang anak patungo ng Siargao para bisitahin muli si Andi at ang kanyang mga kapatid sa isla.
Ayon sa caption ni Jake, talagang inaatake siya ng matinding lungkot kapag nagkakahiwalay sila ni Ellie. Maraming IG users ang nagsabi na bilib sila kay Jake dahil sa pagiging hands on daddy nito.
Pero may netizen ang nag-comment tungkol sa co-parenting set-up nina Andi at Jake. Anito, “This is the big lesson of both parents before separating their lives, we must consider our children first (crying emoji). Kaya ayaw ko mag asawa eh (laughing and crying emojis).”
Hindi ito pinalampas ni Jake at talagang nireplayan ang netizen. Aniya, mas hindi tamang ipilit ang isang relasyon kung hindi na talaga pwede. Ito’y para na rin sa ikabubuti ng kanilang anak.
“Lesson is here is not to overgeneralize.
“Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse and even more traumatic for children.
“These are the cards we were dealt and we try our best to make it work with Ellie’s well-being as top priority,” sabi pa ni Jake.
Nananatili pa ring single ngayon ang aktor habang engaged na si Andi sa champion surfer na si Philmar Alipayo at biniyayaan na rin ng dalawang anak.
“I’ve been single for the past five five years, I think. Because I really chose to focus sa parenting these last few years.
“Yun ang mahirap ngayon, walang chance to go out and meet new people. Right now kasi I have Ellie, I’m happy and content with the situation now,” chika ni Jake sa isang panayam.
Kung matatandaan, last June, 2021 ay bumisita si Jake sa Siargao para makapag-bonding sila ni Ellie. Dito na-meet din niya si Philmar na tumatayo na ring tatay ni Ellie.