Tarpaulin ni Aiko sa Q.C. pinagbabaklas; nakiusap kay Alfred Vargas

Aiko Melendez

“SA mga makakalaban ko po sa politika kung anuman ang posisyon na tatakbuhin ko, gusto ko lang iparating sa inyo, I come here in peace hindi po ako kaaway.  

“Hindi po ito ang panahon para mag-away tayo at hindi rin ito ang panahong magbaklasan tayo ng tarpaulin.”

Ito ang pahayag ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook Live nitong Sabado ng gabi habang nasa lock-in taping para sa book 2 ng seryeng “Prima Donnas” sa GMA 7.

“Ipapakiusap ko lang po sa mga makakatunggali ko po kung anuman ang posisyon na itatakbo ko po nakikiusap po ako sa inyo na pagsabihan n’yo po ‘yung mga staff n’yo po o mga liders n’yo na ‘wag namang magbaklasan ng tarpaulin,” aniya pa.

Pinadalhan kami ng larawan ni Aiko bilang isa sa mga pruwebang hawak niya na tinanggal ang tarpaulin niya sa isang lugar kung saan siya kakandidato ng pagkakongresista o konsehal.

Ang nakalagay sa itaas ng tarpaulin ay “Stay Safe” at sa ibaba ang pangalan ng aktres at sa bandang ibaba pa ang “District 5, Quezon City” at “Join Aiko movement now QC.”

Malinaw na wala pang nakalagay kung anong posisyon ang tatakbuhin niya pero pinagtatanggal na ito ng supporters ng kalaban niya.

Sabi nga ng talent manager at vlogger friend ni Aiko na si Ogie Diaz, “Kung naniniwala kayo na kayo ang karapat-dapat na maluklok sa puwesto, hindi ninyo kailangang ma-tense, hindi ninyo kailangang matakot na baka merong pumalit sa puwesto.

“Kung naniniwala kayong totoong nagtatrabaho kayo at totoong binibigay n’yo lahat ang serbisyo sa kapwa n’yo, e, hindi kayo dapat kabahan dahil kayo ‘yung iboboto ng mga tao, hindi si Aiko!” ani Ogie.

At dito na tinukoy ni Aiko ang mga pangalan ng magkapatid na Alfred at PM Vargas na kumakandidatong konsehal at congressman sa ikalimang distrito ng Quezon City.

Ayon sa aktres, “Ipapakita ko po itong picture sa inyo, alam n’yo hindi kami magkaaway ni Konsehal PM Vargas dahil ang kuya niyang si Cong. Alfred Vargas ay galing kami sa isang industriya na tinatawag naming showbusiness.

“Hindi ko man siya nakatrabaho pero nirerespeto ko siya dahil we belong in the same industry. Kaya hindi ninyo ako mariringgan ng masama anything about them.

“Pero meron sana akong pakiusap sa inyo, Cong. Alfred and PM na alam ko wala kayong kinalaman dito siguro ‘yung mga leaders n’yo naging emosyonal pagka’t maraming naglalabasang tsismis ngayon na maghe-head on tayo.

“Gusto ko lang ipakiusap na baka puwedeng kayo mismo magsabi sa mga leaders n’yo at mga coordinators n’yo na huwag namang magbaklasan ng tarpaulin (sabay pakita ng larawan).

“So, nakikiusap lang po ako, pagsabihan po natin ang mga tao natin. Hindi tayo magkaaway, hindi rin naman tayo magkaibigan pero pag magkikita tayo sa area sana maging maayos kasi ang magi-gain naman dito ang buong district 5, di ba?

“Mas maraming makakatulong sa kanila, mas maraming masaya ang maralita dahil maraming tulong silang makukuha mula sa atin.

“Hindi ko lang sa inyo ina-address ito sa lahat ng tatakbo sana huwag tayong magsiraan, huwag tayong mag baklasan ng tarpaulin, pagka’t ‘yan ang una kong instruction sa team ko sa Team Aiko Melendez na sinasabi ko sa kanila na kahit mga kalaban natin ‘yan (pulitika) ‘wag n’yong baklasin.

“Dahil alam n’yo ang eleksyon ay isang araw lang, ‘wag natin tanggalin sa tao ‘yung pagkakataong mamili sila kung sino ang gusto nilang iluklok sa posisyong gusto nila,” aniya pa.

Nilinaw din ng aktres ang sinasabing lumabas lang daw siya ngayon dahil election time, “Siyempre gusto kong klaruhin na lumabas lang daw ako kasi eleksyon. Alam n’yo po may mga bagay sa mundo lalo nap ag-artista ka na may mga bagay kang gusto mong gawing pribado.

“Pero nu’ng nangyari ‘tong pandemya natin I’ve been very vocal na hindi po sa pagmamayabang sa Instagram ko po makikita nyo po ro’n na humingi talaga ako ng tulong sa mga kapwa artista ko po kasi hindi ko naman kakayanin na ako lahat.

“Kaya ang ginawa ko nu’ng magkaroon ng COVID humingi ako ng tulong sa mga artista kong kaibigan na talagang may malaking puso at hindi lang po Quezon City ang natulungan ko po buong Pilipinas po ‘yan at saksi po ang Diyos diyan.

“’Yun ‘yung mga bagay na hindi ko dapat ipagmalaki pagka’t nu’ng mga araw na ‘yun at ga panahon na ‘yun masaya ako na ginagawa kop o ‘yun.  Bukas sa aking puso na sa abot ng makakaya ko tumutulong po ako hindi dahil mage-eleksyon,” kuwento ng aktres.

At dahil walang maibatong isyu kay Aiko ang kinukuwestiyon ang pagiging artista lang niya at wala siyang alam sa politika.

“Siguro wala na sigurong maibato sa aking isyu pagka’t nasabi ko sa inyo na sa siyam na taon ko bilang konsehal wala po silang maibabato po sa akin.

“Hindi po nila ako nabalitaan na nagnakaw ng pondo, nang-isa ng kapwa wala po kayong maririnig.  Siguro ang pinambabato lang nila sa akin dati mga unang taon ko sa pulitika was artista lang ako.

“Alam n’yo po, ikinararangal ko ang trabaho ko bilang artista, utang na loob ko po ang pagiging artista ko sa lahat ng meron po ako ngayon.

“Dahil sa pagiging artista ko po, napagtapos ko sa pag-aaral ang mga kapatid ko, lahat sila ngayon (professionals).  ‘Yung isang kapatid ko po hindi sa pagmamayabang teacher po, ‘yung isang kapatid ko nurse dito sa Pilipinas at ‘yung isa pang kapatid ko nasa abroad, head ng mga nurse. 

“Ang mga anak ko, napagtapos ko sa magandang eskuwelahan at nakakatuwa kasi si Andre ay pumapasok na rin sa industriya ng showbusiness at ang gaganda ng feedback sa kanya ng mga tao na down to earth.  

“Siguro ang pinakamaligaya na sa magulang kapag naririnig mo ‘napalaki mo ng maayos ang mga anak mo’ knowing na single mother po ako.

“Sa mga nanonood po sa akin now na single mother ay makaka-relate po at hindi madaling maging single mother dahil kailangan mong itaguyod sila in the best way na I know of.

“At bilang artista ay marami akong naging kaibigan at nagkaroon ako ng pamilya sa inyo at sa pag-aartista ko po ay pinagkatiwalaan ako ng Quezon City ng siyam na taon hindi po ako bago sa usapin ng politika o public service, bumabalik lang po ako dahil gusto ko pong tumulong,” pagtatapos ng aktres.

Read more...