Aiko Melendez
WALA pang pormal na pag-anunsyo si Aiko Melendez kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa 2022 elections pero may mga naninira na sa kanya tungkol sa umano’y pagtulong niya sa iilan lamang.
Kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon ang aktres para sa programang “Prima Donnas” at kahit abala siya ay nagagawa pa rin niyang i-monitor ang kanyang staff para sa mga nabibigyan ng tulong.
Dokumentado naman lahat ni Aiko ang mga nangyayari simula pa noong nakaraang taon pero hindi naman niya ito ipino-post sa social media accounts niya dahil naniniwala siya na ang pagtulong ay hindi bino-broadcast.
Pero dahil plano niyang bumalik sa pagiging public servant ibinahagi na niya ang mga tulong na nagawa niya noon at ngayon dahil marami na ang bumabatikos sa kanya na ngayon lang siya nagpaparamdam dahil nga kakandidato siya.
Ipinost ng aktres sa kanyang Facebook page ang ilang larawang pruweba sa kanyang pagtulong.
Ang caption ni Aiko, “Ok isang paglilinaw lang ahhh. I had to screen shot everything with the dates indicated there sa mga litrato, mahirap po i-edit ang dates sa IG, hindi po para magyabang kundi para itama lang ang mga malisyosong tao na wala makita kundi ang kamalian at mamintas.
“Ano po ang dates nyan? 2020 po me eleksyon po ba n’yan? And opo hindi lang mga taga-Quezon City po ang pilit ko pong tutulungan sa abot ng makakaya ko po. Ayaw ko na po sana ipakita ang lahat ng pruweba na tumutulong ako nuon pa man. And inuulit ko po halos ibat-ibang sulok ng Pilipinas ang natulungan namen po.
“Kasama ang mga kaibigan kong artista para maka-raise ng funds po. Madami po nag direct message din sa akin nanghingi ng tulong po at kahit paano tumulong ako hindi man malaki pero kung ano ang kaya ko po. Hindi ko pino-post lahat ng mga natulungan ko, Ngayon? Sasabihin n’yo namumulitika ako? 2020? 2019?
“Kung ipapakita ko po sa inyong lahat ang mga natulungan ko para san po? Hindi ako tatakbong Senador po pero bakit kahit hindi taga kung saang syudad ako naka-register tumulong po ako? Kasi hindi ako namimili ng puwede matulungan so ‘wag n’yo ako pagbintangan na namumulitika ako.
“Kahit pa nuon na natalo ako sa pagka-Vice Mayor ng Quezon City, hindi ako huminto sa pagtulong. Mapa-kasama ko sa industriya, mga crew na lumalapit sa akin hindi ako humihindi basta kaya ko tutulong po ako.
“Ngayon babalikan ko po kayo. Kayo kelan lang ba kayo lumabas para tumulong? Ngayong taon kung kelan malapit ang filing? Mag isip po kayo san kayo sa taong matagal na tumutulong or sa taong nakikita n’yo lang kapag me kailangan sa inyo???.
“Kayo na po ang humusga. Ayaw ko sana i-post ‘yang mga pictures na ‘yan sa Instagram ko kaso sa dami ng nangngailangan humingi ako ng tulong sa kasamahan ko at kaibigan ko sa industriya.
“For transparency purposes. Kaya nga di naka post lahat dahil ayaw ko mapulaan pero I just needed to post all these kasi ang dumi maglaro ng ibang tao.
“Madami pa kung sa tutuusin ang mga dates na silently I was helping, 2010 eleksyon ‘yun tumakbo ba ako nuon? Hindi di ba?
“So hinay-hinay lang po kasi ako me ebidensya sa lahat. Hindi ako panghihinaan ng loob sa kakapuna n’yo sa akin, Dahil malinis ang puso ko. Sana kayo din. Ngayon kung tatakbo man ako dahil sa pagod na din ako sa mga naka-upo nga di naman n’yo nakikita kapag kailangan n’yo sila,” mahabang paglilinaw ng aktres.
Hiningan pa namin ng karagdagang detalye at kuwento ang aktres tungkol sa post niya pero hindi pa niya kami nababalikan hanggang matapos naming sulatin ito dahil aniya, “Message ako after ng script reading ate.”