Jasmine Curtis
NAKATIKIM ng maaanghang na salita ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis matapos mag-post sa social media tungkol sa pagkadismaya niya sa isang delivery rider.
Hindi kasi nagustuhan ng ilang netizens ang tila pamamahiyang ginawa nito sa delivery rider na sinabihan niyang ninakaw daw ang ipina-deliver na pagkain.
Sa kanyang Instagram Stories nitong Sept. 17, ipinost ng aktres ang screenshot ng litrato ng rider at nilagyan ng caption na, “Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls.”
Komento ng isa sa kanyang IG follower, “Hmmm, sana di na i-post, i know di mo nakuha u g fud mo pero pwede nman ireport sa app. What if nagkaprob lang. Naipost at napahiya na si kuya, cguro nman di ganun kabawasan ung halaga nawala sau. Pero ung kahihiyan ng tao if di nman sadya ang nangyari di na maibalik #justsaying.”
Ito naman ang sabi ng isang netizen, “@jascurtissmith did you just simply took down your post when your ‘stolen’ food arrived? No public apology, for public shaming him just because you can?”
In fairness, nagpaliwanag naman agad si Jasmine kung bakit tinanggal na niya ang kanyang IG post. Aniya, nag-reply na sa kanya ang kumpanya at inaayos na ang naging problema sa order niya.
“Hi, I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app, and via twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time,” sagot ni Jasmine.
Narito naman ang mensahe ng nasabing delivery app sa tweet ng aktres, “Hi there, Jasmine! So sorry to hear about this. We’ve responded to your DM. Rest assured that an investigation is already underway and we’ll keep you posted. Thank you.”
Kamakalawa lamang, nanawagan naman ang Kapuso actress na si Aiko Melendez para sa kapakanan ng mga delivery riders, “Madalas akong magpadeliver sa mga delivery food apps… minsan me mga deliveries sila sa akin na di ako satisfied.
“Pero hindi ako aabot sa oras na icall out ko pa sila. Kasi kung tutuusin unti lang naman ang kinikita nila. Dito pumapasok ung pabayaan nyo nalang ang mga maliit na bagay.
“Maraming pagkakataon ang dami ko gusto sabihin o share na sinasaloob ko na lang lalo na kung di naman ako umaabot na maghihirap ako sa mga pagkakataon na di ako masaya sa mga maliliit na bagay,” pag-amin pa niya.
“Sa dami ng walang trabaho ngayon wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaaring maglagay sa tao na mawalan sya ng pinagkakakitaan.
“Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan,” sabi ng aktres gamit ang hashtag na #AikoLangNamanYan.