Kathryn Bernardo
NAGLABAS ng saloobin ang nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min tungkol sa mga fans na umano’y pinagkakakitaan ang pangalan at image ng kanyang anak.
Kasabay nito, nakiusap din ang kampo ng Kapamilya actress sa kanyang mga tagasuporta na huwag na sanang gamitin ang pangalan at mga litrato ng dalaga sa paggawa ng anumang uri ng digital platform.
Nangangamba kasi ang mga taong nangangalaga sa showbiz career ng girlfriend ni Daniel Padilla na baka maging malaking problema ito in the future at maaaring mapagkamalang official na account ng aktres.
Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang kampo ni Kathryn na gawan ng sariling business domain ang dalaga na opisyal na ngang ipinaalam kahapon sa pamamagitan ng isang public service announcement.
“We have chosen to create a new digital space, which Kathryn will use as her official business domain. She may be contacted via business@everydaykath.com.
“We are also appealing to Kathryn’s fans to refrain from using her name and her image in the creation of any digital platform which can be confused as official accounts, merchandise, or additional social media handles being managed either by Kathryn or her team,” ang nakasaad pa sa nasabing official statement na naka-post sa Instagram.
Samantala, ipinaalam din ng nanay ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo sa publiko ang tungkol sa isang Facebook account na sinasabing hawak daw ng nga fans simula pa noong mag-showbiz ang Kapamilya star.
Ayon sa IG post ni Mommy Min, “‘Yung FB ni Kath around 4 yrs, ago na that time ay may 12M+, matagal na hinawakan ng fans since ‘Goin’ Bulilit’ days, (pinagkakitaan), ayaw ibalik sa amin.
“Ngayon naman itong bernardokath.com may unang nakakuha and gumamit ng name, sad to say ni-request namin na baka kami ang pwede naman gumamit.
“Nag-ask kami if they’re willing to let go the domain, how much… na-shock lang kami sa asking amount niya. Fan pa raw sya since 2013… Sad to say sarili mo ng pangalan ‘di mo pwedeng gamitin. SO WE DECIDED TO MAKE A NEW ONE,” ang pahayag pa ng nanay ni Kath.
Isa si Kathryn sa mga celebrities na may milyun-milyong followers sa kanyang social media accounts — meron siyang 15.7 million followers sa Instagram; 4 million sa Facebook; at 3.52 million subscribers sa YouTube channel niyang “Everyday Kath.”
Last year, isa si Kathryn sa mga local stars na nakapasok sa “Asia’s 100 Digital Stars” list ng Forbes Asia.