RR Enriquez sa mga kapwa sawsawera: Utang na loob, gamitin n’yo yung maganda kong pictures

RR Enriquez

DUMAMI na raw ang followers ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa kanyang social media kaya labis niyang pinasasalamatan ang lahat ng nagbabasa at pumi-pick up ng mga opinyon niya.

May pakiusap lang siya kapag napi-pick up siya, sana raw magandang larawan niya ang gamitin.

Sabi ni RR, “Hello mga kasawsaweRRang mga PALAKA. Ito po ang bago nyong kasawsawan sa latest chismis RR Enriquez.

“I just want to post may hinaing lang. Na-appreciate ko po na medyo trending ‘yung mga pakikisawsaw ko.

“But utang na loob kung kukuha kayo ng pictures ko, make sure na maganda ako para kahit i-bash ako ng iba na laos, walang career or pa-relevant ok lang at least maganda pa din ako at sexy! At may laban sa mga batang starlet. CHAR.

“At dahil madami ang nagri-request na ituloy ko talaga ang vlog ko para maging opisyal na chismosa na tayo. Yes po soon inaayos lang po.

“Iibahin natin ang tema ng chismis. Basta wala tayong kakampihan. Sa tama lang tayo,” pahayag ng hindi na aktibong aktres.

At heto na, nagbigay na ng sariling opinyon si RR kung sino ang type niyang tumakbong Presidente sa 2022 at kung bakit ang mga ito ang napili niya.

“My 4 President na gusto ko tumakbo sa 2022 Elections and why I chose them.

“Bong Bong Marcos!! If hindi n’yo gusto ang Tatay n’ya because of what you think they did in the past I’m sorry but I don’t want to dwell in the past.

“Magkaibang tao ang tatay at anak. Hindi ko gustong i-judge ang tao, base sa past na nagawa ng Tatay n’ya, Nanay n’ya or ng kamag anak n’ya.

“Parang ganito lang ‘yan, halimbawa ang Nanay mo ay prostitute na nakapag asawa ng mayaman! So nakaahon s’ya sa kahirapan. Ipinanganak ka ng isang prostitute meaning prostitute ka na din?

“Although may kasabihan talaga na kung ano ang puno sya ang bunga. Pero meron din kasabihan na Don’t judge when you’re not a judge CHAR!

“And one more thing. Ilan na ba ang umupo na against sa Marcos, pero kamusta ba ang naging pamamalakad nila?”

Ikalawa raw ang Pambansang Kamao, “Manny Pacquiao! I like him because of his love for God. Kung paano s’ya binago ng Diyos at babaguhin pa. Kahit pa sabihin n’yo na wala s’yang kakayahan at hindi educated, isa lang ang masasabi ko, if he is a truly man of God kayang-kaya s’ya bigyan ng talino ni God para patakbuhin ang Philippines!

“Ang Faith ko wala kay Manny bagkus nasa Diyos. Ang daming uneducated na tao sa Bible na ginamit ni God, kaya huwag nyo basta maliitin si Manny.

“Better i-pag pray natin s’ya na i-protect at huwag maging sunud-sunuran sa nakapaligid sa kanya specially if hindi pleasing kay God ‘yung mga ipapagawa sa kanya.

“Only God knows what’s inside Manny’s heart! He is a believer now and I want to believe that he is a follower of Christ.

“Some people don’t know how God works siguro?  Kaya ganyan sila magsalita. Ako kasi alam ko that nothing is impossible kay God. Madami s’yang ginamit sa Bible na uneducated not capable pero binigyan nya ng wisdom to lead and to fight.

“You belittle him as a person but if God wants him to be in that position sure ako kahit wala syang alam, God will give him the power and ability para patakbuhin ang Philippines.”

Dahil aminadong DDS si RR kaya type niya si, “Bong Go. I like him kasi syempre Maka Duterte ako.  I’m sure iga-guide sya ni President Duterte so parang si President Duterte pa din ang President natin.”

At ang pambato ng Maynila, “Isko Moreno! Impressive ang mga nagawa n’ya. Matapang din sya with a heart.”

Read more...