Kim mala-dyosa sa grand finals ng ‘TNT’; Enchong may hugot sa pag-aayos ng kama

Enchong Dee at Kim Chiu

ENCHONG Dee shared his morning routine sa lock-in taping ng “Huwag Kang Mangamba” sa kanyang Youtube account recently.

Katuwa si Enchong dahil napaka-resourceful nito. Ipinakita niya ang dalawang tali ng sapatos na nasa itaas ng kanyang double deck na kama. Iyon pala ang ginawa niyang tablet holder.

“‘Yung iPad ko ay ikinakabit ko rito. Tapos dito ako nanonood bago   ako matulog. 

“Usually, sa umaga ay gumagawa na ako ng ice kasi gusto ko ang drink ko ay cold coffee. I don’t know if pareho kayo guys sa akin pero ‘yun ang gusto kong timpla ng coffee,” say niya.

“Meron akong nakita. Parang sinasabi niya na ‘start your day by fixing your bed. It will help you jumpstart your morning and be peaceful in the evening.’    

“It makes sense kasi kahit na anong gawin n’yong goals for the day tapos hindi n’yo man nagawa, medyo malungkot kayo at hindi kayo happy sa kinalabasan ng araw, at least uuwi kayo sa kama na maayos at malinis,” sey ng aktor.

Nagyo-yoga pala si Enchong in the morning dahil naniniwala siyang malaking bagay  ito bilang pampatanggal ng stress.

“Pampa-jumpstart ang yoga and it’s good for my mental health,” say ng cast member ng “Huwag Kang Mangamba”. 
    
“Usually it really helps me kapag alam kong medyo busy or hectic ‘yung umaga or araw ko. It really helps me to relax, chill, kalma ka lang. if I have extra time, I do morning stretches because ang feeling ko ang energy ko ay lumalabas kapag walang tension sa mga muscles,” say niya.  

Ina-advise niya na dapat may five minutes of meditation at five to 10 minutes of morning stretching.

* * *

Mistulang fashion show ang grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” last Saturday.
Patalbugan ang hosts ng noontime show sa grand finals, ang gaganda ng mga suot nila na parang a-attend ng awards night or Star Magic Ball.

Si Reiven Umali ng Carmona ang itinanghal na grand champion sa “Tawag Ng Tanghalan”.

Sa kanyang post sa Instagram ay puring-puri si Kim Chiu ng kanyang followers dahil sa kanyang mala-dyosang gown. Napaka-sexy kasi ng gown ng dyowa ni Xian Lim. It has a dangerously high slit which showed her beautiful legs. Agaw-pansin din ang Chanel nitong earrings.    

Sa Instagram post ni Kim kasama ang iba pang hosts ng “It’s Showtime” ay puring-puri ito ng netizens.

“The moon and the stars don’t glow as bright as your eyes, you are extremely beautiful.”

“Wow…super ganda mo Kimmy in your glammed outfit!!! As if you’re attending the StarMagicBall (with your mrRightXian of course). missing it to the maxxxx!”

“Kimmy, if u missed being glammed up….so are we coz we knew u can really, really carry yourself well in any outfit & look good & beautiful inside out as well!”

“Congratulations sa inyong lahat! Napakaganda yung opening until the end of your show.Pang malakasan din mga outfitan niyong lahat! Kapamilya forever! loveyou all.”

“Good job It’s Showtime family! A1 at malakasan lng tlaga!”

“Wala pang franchise yan ah! LOVE YOU KAPAMILYA.”

Read more...