Pagtakbong pangulo ni Pacquiao sa 2022 umani ng papuri at batikos; binantaan agad ang mga corrupt | Bandera

Pagtakbong pangulo ni Pacquiao sa 2022 umani ng papuri at batikos; binantaan agad ang mga corrupt

Ervin Santiago - September 20, 2021 - 08:58 AM

Manny Pacquiao

MAY mga nagbunyi at natuwa nang ibandera na ni Sen. Manny Pacquiao ang desisyong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections — ngunit marami rin ang kumontra at bumatikos sa kanya.

Hati ang saloobin ng sambayanang Filipino nang tanggapin na ng senador at boxing champ ang nominasyon ng PDP-Laban faction bilang kandidato sa presidential race next year.

Kung may mga sumang-ayon, meron ding bumatikos sa Pambansang Kamao nang ianunsyo na niya ang kandidatura sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook kahapon.

In fairness, hindi lang sa Pilipinas naibalita ang pagtakbo ni Pacman sa 2022, bumandera rin ito ilang international news programs tulad ng BBC, Channel News Asia, South China Morning Post at marami pang iba.

Agad ding nag-trending sa Twitter Philippines ang pangalan ni Pacquiao at naging hot topic din sa Facebook dahil sa naging comments ng milyun-milyong netizens. 

Karamihan sa mga nag-react ay napamura pa sa balita kasabay ng pagmamakaawa kay Pacquiao na huwag nang dagdagan pa ang paghihirap ng mga Filipino.

Iba-iba rin ang naging reaksyon ng madlang pipol sa naging speech ni Pacquiao matapos ihayag ang kanyang kandidatura kung saan binantaan nito ang lahat ng tiwaling opisyal sa gobyerno.

“Your time is up! Panahon na upang manalo naman ang mga naaapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na na ang isang malinis na gobyerno kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino.

“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan. Your time is up!

“Binigyan namin kayo ng pagkakataon ngunit kami ay inyong binigo. Naghintay po kami ng mahabang panahon, ilang dekada na ang lumipas pero wala din nangyari. Sawa na kami sa inyong mga pangako, sa inyong mga dahilan.

“Sa ngalan ng PDP-Laban at bawat Pilipino na nangangarap ng isang maunlad na buhay, si Manny Pacquiao po ay handang gumabay at mamuno sa inyo sa panahon ng kahirapan, pagbangon at pag-asenso.

“Panahon na magsama-sama po tayo. Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord,” ang pahayag ng senador.

May paalala rin siya sa lahat ng Filipino bilang isang boksingero, “I am a fighter and I will always be a fighter inside and outside the ring! Sa buong buhay ko, wala akong laban na inaatrasan dahil sa ngalan ng prinsipyo, karangalan ng bayan ay tumayo ako, nanindigan at nakikipaglaban.

“Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo bilang Pambansang Kamao ay walang ipinag-iba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian,” diin pa niya.

Kung matatandaan, naging congressman ng Sarangani Province si Pacquiao noong 2010 at taong 2015 naman nang mahalal siya bilang senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, pabor ba kayo sa pagtakbong presidente ni Pacman o isa rin kayo sa mga makikipaglaban para huwag na siyang tumakbo? 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending