Ruffa Gutierrez may patutsada sa taong ‘nagagalit’ matapos mag-viral ang video ng isang ReiNanay contestant

NAG-TRENDING ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez matapos maglabas ng sama ng loob ang contestant na si Marilyn Lagsa patungkol sa naging karanasan nito sa isang segment ng “It’s Showtime”.

Ang segment na ito ay ang “Reina Ng Tahanan” kung saan isa sa mga contestant si Marilyn Lagsa.

Naging tampulan kasi ng pangbabash ang contestant matapos siyang tanungin ng sariling ina ukol sa sustento sa mga anak nito na sampung taon na sa kaniyang pangangalaga.

Agad namang pinabulaanan ng ReiNanay contestant ang pahayag at sinabing nasa kanyang pangangalaga ang mga anak at pumupunta lamang ito sa kanilang lola dahil magkalapit lang ang kanilang tahanan.

Nakadagdag rin daw ang sa pambabatikos ang naging comment ng isa sa mga judges na si Ruffa Gutierrez.

Ayon kay ReiNanay Marilyn, hindi raw naisip ni Ruffa na live ang show at mas idiniin pa siya kaya mas lalo raw siyang napahiya sa publiko.

Aniya, hindi rin niya deserve ang mapagiya kapalit ang limang libo na consolation prize niya sa pagsali sa “Reina Ng Tahanan”.

Na-highblood kasi si Ruffa sa ganap ng contestant at naawa sa sitwasyon ng ina nito na siyang nagtataguyod sa kaniyang mga anak kaya talagang hindi nito napigilan ang magbigay ng komento matapos marinig ang daing ng ina ng contestant.

Hindi man direktang nagbigay ng pahayag ang actress-neauty queen ukol sa isyu ay tila may patutsada ito sa mga taong “nagagalit”.

Sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi ng actress-beauty queen ang isang quote mula kay Yung Pueblo.

“Some people will get mad at you for not being who they want you to be. One of the biggest forms of self-betrayal is living your life by their rules instead of your own.

“Your task is simple. Be kind, be real, be humble, keep growing, and unapologetically live your best life.”

Anyways, mukhang wala namang balak pumatol ang actress-beauty queen sa contestant at ang quote ay reminder lang na ugaliing mabuhay ng naaayon sa sariling kagustuhan at iwasan ang makinig sa sinasabi ng iba.

Read more...