HINDI pa rin gumugupa ang kontrobersyang kinasasangkutan ng TV host-actress na si Toni Gonzaga kaugnay ng kaniyang interview sa anak ng dating diktador na si Bongbong Marcos.
Marami na sa mga netizens ang nadismaya sa naging desisyon ng aktres na paunlakan ng panayam ang isang Marcos na hindi kailanman nakitaan ng pagsisisi sa mga buhay na nawala at mga pamilyang naapektuhan noong panahon ng Martial Law.
Marami rin naman ang dumipensa para sa TV host-actress gaya ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.
“Toni Gonzaga has the freedom and rights to interview whomsoever she wants to in her platforms.
“Whether or not you agree with the interview he or her is totally up to you because you to have the freedom and rights to watch or not to watch or like/dislike… (peace sign emoji),” sey ng gobernador.
May pa-hashtag pa nga itong #mychannelmyright na pumapatungkol sa karapatan ni Toni sa sariling YouTube channel.
Napareact naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Chiz at hindi napigilan magbigay ng komento.
“The whole issue is about allowing the likes of the Marcos to try to change history during her interview,” comment ng isang netizen.
“Very true. But she has a lot to learn about empathy, mindfulness of the thousands of victims of Martial Law. We cannot pretend that nothing happened. In the same way, it is our right to call her out,” sey ng isang netizen.
“Free country and works both ways. Who she interviews is soly her prerogative. Whatever the reaction- good or bad- is also down to individual prerogative. As an interviewer though, she still has quite a way to go in paging her dues,” hirit pa ng isang netizen.
Sa kabila ng mainit na kontrobersya ay nananatiling tahimik ang aktres. Bukas naman ang BANDERA sakaling naisin mg aktres na maglabas ng salobin ukol sa kontrobersyang kinakaharap.
Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Toni Gonzaga na bigyan ng pagkakataon ang isang Marcos para sa isang interview?
At kung ikaw si Toni, paano mo tatanungin si Bongbong Marcos? Uungkatin mo ba ang nangyari sa mga naging biktima ng Martial Law o gagayahin mo ang mga naging tanong ng aktres?