NANINDIGAN ang TV host na si Bianca Gonzalez sa kaniyang stand sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap ng kaibigan at katrabahong si Toni Gonzaga ukol sa viral interview nito sa anak ng diktador na si Bongbong Marcos.
Marami ang hindi natuwa sa ginawa ng aktres na pagbibigay ng platform para sa isang Marcos at tila pa naging dagdag ang kaniyang vlog sa attempt ng mga Marcoses na i-whitewash ang kanilang mga human rights violations noong Martial Law regime.
Isa si Bianca sa mga aktibong celebrities na nagpapahayag kung ano ang kanilang political stand sa publiko kaya hindi na kataka-taka na tanungin siya ng netizens lalo na’t ang sangkot sa kontrobersya ay malapit niyang kaibigan.
Sa kaniyang Twitter account, naglabas na ng saloobin si Bianca ukol sa isyu.
“Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you out at the rallies,” umpisa ng pahayag ni Bianca.
Sa tanong naman kung bakit tahimik ang TV host sa kabila ng issue ay dahil bilang kaibigan, pinili niyang mag-reach out kay Toni privately.
“As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly. Because for me, that is what a true friend would do,” sagot nito.
Saad pa niya, kahit pa sariling kapamilya o mga kaibigan ay maaring magkaroon ng iba’t ibang pananaw sa mga bagay. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng iba ibang pananaw ay nananatili at naninindigan siya sa kung ano ang kaniyang pinaniniwalaan.
“My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.