Obispo ng Batanes humihingi ng tulong para sa mga nabiktima ng Bagyong Kiko

Photo Courtesy of Mark Anthony Cultura via Nestor Corrales, Philippine Daily Inquirer

Umaapela ng tulong si Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga nabiktima ng Bagyong Kiko.

Ayon kay Bishop Ulep, marami sa mga residente ang nasiraan ng tahanan dahil sa nagdaang bagyo.

Katunayan, kasama aniya sa mga nasira ang rectory at kumbento ng Ivana Parish at St. Dominic College.

Sa ngayon, isinailalim na sa state of calamity ang Batanes.

Tinatayang nasa P350 milyong halaga ng mga ari-arian ang nasira dahil sa bagyo.

Sa kabila ng panibagong kalamidad, sinabi ni Bishop Ulep na tiyak na makababangong muli ang mga taga-Batanes.

Read more...