Imbentaryo ng bigas sa bansa bumagsak noong nakaraang buwan – PSA

File photo

BUMABA ang imbentaryo ng bigas sa mga kabahayan, tindahan at maging sa mga bodega ng National Food Authority (NFA), base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang imbentaryo ng bigas ay naitala sa 1.59 milyong metriko tonelada at ito ay mas mababa ng 11 porsiyento mula sa naitalang 1.79 milyong metriko tonelada noong Agosto 2020.

Sa pagkumpara naman sa imbentaryo noong Hulyo, mas mababa ng 27 porsiyento ang nailata noong Agosto mula sa 2.18 milyong metriko tonelada.

Nabatid na ang naitala noong Agosto ang pinakamababa simula noong Setyembre 2018 kung kailan ang imbentaryo ay umabot lamang sa 1.168 milyong metriko tonelada.

Samantala, sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na nakakaalarma na ang mababang imbentaryo ng bigas, gayundin ang tinatawag na rice-sufficiency rate sa bansa.

“Rice self-sufficiency rate declined to 79.8 percent in 2019 compared to a slightly higher 86.2 percent in 2018. Even if the DA estimates the rice self-sufficiency rate for 2020 at 90 percent, this is still lower than pre-rice tariffication levels ranging from 95 to 97 percent. On the other hand, the country’s import dependency rate reached an all-time high of 20.2 percent in 2019,” ayon sa KMP.

Dapat anila ay kumilos na ang Department of Agriculture para buhayin ang industriya ng bigas sa bansa na labis na naapektuhan ng Rice Tarrification Law.

Read more...