Jonathan Manalo at Rico Blanco
PAYAG ang OPM icon na si Rico Blanco na maging housemate sa 10th edition ng “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.
Sa digital mediacon para sa launching ng bagong version ng “Pinoy Big Brother” theme song na “Pinoy Ako” (na ginawa nang Pinoy Tayo) natanong si Rico kung willing ba siyang pumasok sa Big Brother house at kung anong klaseng housemate kaya ang mapapanood ng mga Kapamilya.
“They’re gonna get a free concert every day. In fact, they might kick me out. They might want to kick me out kasi, ‘Ang ingay naman niyan. Bakit ba tugtog nang tugtog ‘yan, kanta nang kanta? I-evict na nga natin ‘yan,'” sagot ng singer-songwriter.
Aniya, payag naman siyang maging celebrity housemate ni Kuya, “Kailangan ko lang magpaalam sa mga artist na mina-manage ko. Magpaalam lang ako nang maayos. Kasi meron tayong mga artist na mina-manage. Let’s just say wala ‘yun. I think that would be interesting.”
Inamin niya na kinukumbinsi siya noon pa ng kanyang pamilya at mga kaibigan na mag-join sa “PBB,” “I had this conversation before with my family when we’re watching PBB kasi paborito siya ng lola ko. ‘Yun ang bonding namin.
“My relatives would ask, ‘Ikaw, kung papasok ka? Ay, wag na lang ikaw kasi makikipagsagutan ka kay Kuya,'” natatawa pang kuwento ni Rico.
“Magpapaliwanag daw ako. Hindi ako magpapatalo. Kaya ako, ‘Oo nga wag na lang ako.’ Maybe not me. Sige wag na lang,” hirit pa niya.
Samantala, siguradong magugustuhan din ng madlang pipol ang bagong tunog ng “Pinoy Tayo” na kinanta ni Rico para sa 10th season ng Kapamilya reality show.
Ayon sa boyfriend ni Maris Racal, na-excite talaga siya nang matanggap ang offer ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo, pero inamin niyang hindi raw niya agad tinanggap ang proyekto.
“Support ako agad. Pero sabi ko teka lang ha, pag-aaralan ko ‘yung kanta. Excited ako pero alam kong revered and valued na ‘yung composition. Inisip ko kung paano ito magiging akin at the same time ma-preserve ko ‘yung essence niya. Du’n ako nakatutok the whole time,” aniya.
Para naman kay Jonathan, na nagse-celebrate ngayong taon ng kanyang 20th year sa music industry, “unexpected collaboration” ang nangyari sa kanila ni Rico.
“Iniisip ko na talaga ‘yung anniversary ko and my anniversary project. May lineup na pero di alam ni Sir Rico, last year pa lineup ko andun na pangalan niya…dream ko na si Sir Rico ang kakanta ng ‘Pinoy Tayo,'” sabi ni Jonathan.
Kuwento naman ni Rico, nang tanggapin na ang offer, “Binabaliktad ko ‘yung kanta. He (Jonathan) wants me to be me and put more of me in the song. There’s nothing wrong with the original but he asked me to interpret it. I put these small elements that you hear from my song all these time.”