Hamon ni Neil sa public official na nang-insulto kay Angel: Kung matapang ka talaga kita tayo, lalake sa lalake

Angel Locsin at Neil Arce

MATAPANG na hinamon ng film producer na si Neil Arce ang isang public official na lantarang bumatikos sa asawa niyang si Angel Locsin.

Hindi pinalampas ni Neil ang pang-iinsulto ni Undersecretary & Director-General of the Presidential Communications Office-Philippine Information Agency Mon Cualoping kay Angel sa pamamagitan ng social media.

Sinagot kasi ni Cualoping ang sinabi ni Angel na iikot pa rin ang mundo kahit walang politician, businessman, police at kahit mga artista, “But the world can never work without health workers.”

Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Cualoping ang sagot niya sa wifey ni Neil. Anito, “Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things.

“How can we all continue to live life if there’ll be no police force, actors, business folks, and yes, even politicians?

“Sample:1. The Wokes want the Government to act. So, if there are no politicians, who decide on things that matter to our lives?

“2. The Wokes want a strong economy. So, if there are no business folks, who pump prime the economy?

“3. The Wokes want a safe society. So, if there is no police force, who establishes public safety?

“4. The Wokes cry for ABS-CBN’s return. So, if there are no actors, what makes ABS-CBN, ABS-CBN? We live in an ecosystem. Again, ecosystem. No brain cells at all!”

Sinagot ni Neil ang opisyal kasabay ng hamon niya rito na magkita sila nang personal — lalaki sa lalaki — para magkaalaman na.

“Hey Mon I don’t know you, but people have been sending me this post. Mukhang sobrang tapang mo sa Facebook sir.

“I respect your political stand and your opinions but insulting my wife personally is a bit off.

“You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no weapons no bodyguards lalake sa lalake lang kung di ka lalaki baka may kuya ka or kapatid na bata. Puwede na din proxy. Hope to see you soon,” ang pahayag pa ni Neil.

Hindi diretsahang sinagot ni Cualoping ang hamon ng husband ni Angel, ngunit nanindigan siya sa nauna niyang pahayag laban kay Angel, “Tungkol naman sa brain cells, I stand by what I said. How do we survive as a society without police force and business folks?

“May nagsabi pang figure of speech lang daw yung sinabi ng artista. Pano? Suntukan na lang? O patayan? Ayaw nila EJK diba,” diin pa niya.

Read more...