Hirit ni Paolo, fake news ang balitang 10 araw sila ni Yen sa Baguio: Naloloka na rin ako!

Yen Santos at Paolo Contis

MARIING pinabulaanan ni Paolo Contis na limang araw siyang nagbakasyon sa Baguio kasama ang kanyang “friend” na si Yen Santos.

Imposible raw ang sinasabi ng ilang netizens na five days siyang naglagi sa Baguio, ayon sa aktor kasabay ng panawagan na sana’y lumabas din ang mga ebidensya na magpapatunay na bumalik din siya agad nu’ng time na yun sa Manila.

Ipinagdiinan ni Paolo na kasinungalingan ang pinagsasabi ng ilang netizens na nagtagal siya sa Baguio kasama si Yen dahil may mga commitment siyang kailangang tuparin nu’ng mga panahong yun.

“Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila, five days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila,” ang text message ng Kapuso actor sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Hirit pa ng dating partner ni LJ Reyes, “Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, nag-taping ako ng Dear Uge. 

“So ano yun, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio? Ano ito road trip every other day?” pahayag pa ni Paolo.

Kasunod nito, nanawagan ang aktor na sana’y mag-post din sa social media ang ilang taong nagpa-picture sa kanya nang magpabakuna siya kontra-COVID-19 na magpapatunay na nasa Maynila na siya noong noong Aug. 28.

“Bakit walang nag-post? Ha-hahaha! Now is the best time, i-post niyo yun dahil pinagbibintangan akong lima o 10 araw sa Baguio. Sayang walang CCTV nu’ng nagpabakuna ako,” ani Pao.

Inamin ng aktor sa pamamagitan ng open letter na nagkasala siya kay LJ pero hindi raw si Yen ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng Kapuso actress.

Aniya, naging marupok at gago siya at humingi ng tawad kay LJ pati na sa anak nilang si Summer at sa panganay ng aktres na si Aki.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. 

“Naging insensitive ako about the possible effects nu’ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. 

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” paliwanag ni Paolo.

Aniya pa, “Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” sabi ni Paolo na ang tinutukoy ay ang pelikula nila ni Yen na “A Faraway Land.”

Read more...