Rayver mas malaki ang TF sa GMA kesa sa ABS-CBN kaya nakapagpatayo na ng bahay

Janine Gutierrez at Rayver Cruz

MULING hinainan si Rayver Cruz ng management contract ng GMA 7 ng 15 months at isa pang 15 months para sa Artist Center.

Sa madaling salita tatlong taon ang pinirmahang kontrata ng aktor sa Kapuso network with five shows na kailangan niyang gawin during the duration ng kontrata.

Sa kasalukuyan ay isa siya sa host ng “All Out Sunday,” “The Clash,” at may teleseryeng “Nagbabagang Luha” kasama si Glaiza de Castro.  At balita namin ay pinag-iisipan pa kung ano pang ibang project ang ibibigay sa multi-talented actor.

Yes, ‘yan ang tawag ng bagong consultant ng GMA Artist Center na si Mr. Johnny Manahan kay Rayver, at siyempre alam ito ni Mr. M dahil halos sa kanya na lumaki ang binata noong pareho pa silang nasa ABS-CBN Star Magic.

Kaya sa ginanap na contract signing ni Rayver ay labis siyang natuwa dahil dumalo si Mr. M at talagang na-miss nila ang isa’t isa.

Walang nabanggit na gagawa ng pelikula si Rayver sa GMA Films dahil siguro naka-concentrate pa sila kina Bea Alonzo at Alden Richards.

Anyway, mag-aapat na taon palang si Rayver bilang Kapuso artist at sobrang saya niya dahil nakapagpatayo na kaagad siya ng sarili niyang bahay bilang paghahanda para sa sarili niyang pamilya.

“Mas malaki kasi ang talent fee niya sa GMA kaya nakaipon saka sunud-sunod ang shows niya,” sabi naman ng taong malapit sa binata.

Paliwanag sa amin kahit inabot daw ng 17 years ang aktor sa ABS-CBN ay hindi nito nagawang makaipon para pampagawa ng bahay dahil hindi naman daw kalakihan ang TF niya bukod pa sa madalang sa patak ng ulan kung mabigyan siya ng teleserye.

Kaya nu’ng lumipat nga raw si Rayver sa GMA ay nagbiro kaagad siya ng, “Makakapag-ipon na ako
 Ha-hahaha!”

Kasi nga halos triple ang bigay sa kanya ng GMA kumpara sa natatanggap niyang talent fee sa ABS-CBN noon.  Pero hindi naman nakakalimutan ni Rayver ang nagawa sa kanya ng Kapamilya network sa loob ng 17 years.

Tinanong namin ang taong malapit sa aktor kung may plano nang mag-asawa si Rayver tutal naman may bahay na siya.

“Malayo pa, parang hindi naman niya naiiisip, pati si Janine (Gutierrez, girlfriend niya) wala pa sa isip kasi ngayon palang din siya nagsisimula sa ABS,” sabi sa amin.

Sabagay 32 years old palang ang binata at kahit abutin pa siya ng 40 years old bago mag-asawa ay okay lang dahil ito na ang uso ngayon lalo’t panahon ng pandemya kaya ipon-ipon talaga.

At maging ang kasintahan niyang si Janine ay ganu’n din ang plano, mag-iipon muna bago maisipang magkaroon ng sariling pamilya.  At hindi na rin problema ngayon pagkakaroon ng anak kapag may edad na dahil maraming paraan na.

Anyway, nami-miss pala ni Rayver ang mag-basketball dahil noong nasa ABS-CBN siya ay maraming nagi-imbita sa kanila sa out of town at out of the country para maglaro.  Parang hindi uso ang ganito sa GMA Artist Center?

Hmmm, baka naman magkaroon na lalo’t nandoon na si Mr. M na baka puwede niyang i-suggest din para mas lalong makilala ang mga artista ng Kapuso network.

Read more...