Matt Lozano at Iya Villania
KUNG may isang bahagi ng katawan na balak iparetoke o ipagawa ni Iya Villania, yan ay walang iba kundi ang kanyang boobs.
Diretsahang binanggit ng misis ni Drew Arellano na nais niyang ipaayos ang kanyang dibdib sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na magpa-enhance sa pamamagitan ng surgery o retoke.
Sa segment na “On The Spot: Handa Ka Na Ba?” ng “Mars Pa More”, sinagot ni Iya ang tanong na, “Kapag pumuti na ang buhok mo at tumanda ka na, handa ka na bang… magpatulong na sa cosmetic surgeon at ano ang babaguhin mo if ever?”
“Babaguhin ko ang aking ‘dey dey’ (boobs). Ang aking ‘dey dey’ mars. I’m sure by that time, lungkot na lungkot na siya kaya ipa-happy natin ng very light ang ating dey dey kapag dumating ang panahon,” paliwanag ng TV host.
Chika naman ng co-host niya sa nasabing Kapuso morning show na si Camille Prats, marami na raw naimbag sa pamilya niya ang kanyang dibdib.
“At saka Mars, malaki rin naman ang naiambag ng mga ‘yan sa iyong pamilya. So deserve niya ang some loving,” ani Camille.
Natatawa namang sagot ni Iya sa kanya, “Grabe din naman yung return of investment kasi at least ang dami ko rin na-save na pera. Kung ano yung na-save ko sa pagpapadede ko sa mga anak ko, ‘yun yung gagastusin ko naman sa pagpapaayos.”
Nauna rito, pinusuan ng mga netizens ang isang Instagram post ni Iya na personal entry niya para sa World Breastfeeding Awareness Month.
Dito, pinuri at sinaluduhan niya ang mga kapwa ina na patuloy na nagsasakripisyo at naghihirap para lamang makahanap ng paraan kung paano mapapakain at masisiguro ang kalusugan ng kanilang mga anak.
* * *
Bago sumabak sa karakter niya bilang si Big Bert sa pinakaaabangang live action series na “Voltes V: Legacy”, magpapakitang-gilas muna ang Kapuso actor na si Matt Lozano sa larangan ng musika with his debut single “Walang Pipigil.”
Si Matt din mismo ang nagsulat ng kanta na ito 10 taon na ang nakalilipas. Inspired ito sa kanyang naging first love. Nais niyang magsilbing inspirasyon ito para sa mga heartbroken ngayon, “I want the audience to understand that there’s hope to every struggle in life.”
Dagdag pa niya, lubos siyang nagpapasalamat sa GMA Music sa pagtitiwala sa kanyang talento, “I’m so excited to be able to share my voice and passion for playing the guitar.
“That’s why I’m very thankful to GMA Music for the freedom they gave me when it comes to making music. I’ve been waiting to release ‘Walang Pipigil’ for 10 years now. And I think now is the perfect time to let people hear my music,” aniya pa.
Mapapakinggan na ang “Walang Pipigil” sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.