Diego Loyzaga at Kylie Verzosa
PABOR ba ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa sa muling pagkansela ng Miss International ngayong taon dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19?
Marami kasi ang nagsasabi na baka raw mawala na ang “essence” ng nasabing international pageant dahil nga sa pagkaka-delay ng grand coronation night na nakatakda nga sanang maganap sa Japan.
May mga nag-react din at nagsabing bakit daw ang 2020 Olympics na ginanap lang kamakailan sa Tokyo, Japan ay natuloy pero ang Miss International ay kinansela uli.
Sa ginanap na virtual mediacon para sa bagong movie ni Kylie sa Viva Films, ang “Bekis on the Run,” natanong ang 2016 Miss International tungkol dito. Tama nga bang i-delay nang i-delay ang pageant?
“‘Yung Miss International po kasi, sobrang close ko po kasi sa organization and alam ko ‘yung hirap na napagdaanan nila to push this pageant for the past years.
“Sobra sobra ‘yung mga effort na ginawa nila pero, unfortunately, ‘yung Japan government ‘yung hindi pumayag for the pageant itself.
“So medyo restricted tayo doon, pero siyempre, it’s still the safety of the girls na kino-consider. ‘Yung Japan government na ‘yung may say dito,” paliwanag ng girlfriend ni Jaka Cuenca.
For the second year in a row, nagdesisyon nga ang Miss International organization na huwag munang ituloy ang pageant dulot ng COVID-19 pandemic.
“We would like to express our deepest regret especially to the participants from all over the world and to all those who have been supporting our event every year.
“We humbly ask for your understanding in light of this unusual circumstance which is beyond our control,” ang pahayag ng International Cultural Association chair ng pageant na si Akemi Shimomura.
Reaksyon pa ni Kylie hinggil dito, “As hard as they try, there are factors talaga, most especially ‘yung government ng Japan na hindi talaga nila maa-allow ‘yung tourists to come in the country.”
Sinagot din niya ang nagkukumpara sa pagdaraos ng 2020 Olympics sa Tokyo, Japan ngayong taon at sa Miss International pageant, “I guess the Olympics was a different. Olympics is the Olympics and siyempre different story na ‘yun, different celebration, and it’s been there for so many years.”
Naniniwala rin si Kylie na kahit dalawang beses na nakansela ang Miss International ay hindi mawawala ang “essence” ng pageant.
“I don’t think it will ever. Pero I really know they try their best to establish themselves as one of the oldest pageants in the country, and patuloy ko pa rin naman nirerepresentahan ‘yung Miss International.
“And happy ako na ‘yung highest crown ng Binibining Pilipinas is still Miss International so it’s something still to be proud of,” aniya pa.
Ito naman ang message niya kay Hannah Arnold, na siyang magre-represent sa Pilipinas sa Miss International 2021, “Pageant pa lang nakita ko na ‘yung potential niya as Miss International, so kayang kaya niya ‘yan.”
Samantala, mapapanood na ang “Bekis on the Run” sa Vivamax simula sa Sept. 17. Ang bagong comedy-drama offering ng Viva ay sa direksyon ni Joel Lamangan at pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Christian Bables at Sean de Guzman.