Dennis lumipad pa-Italy para sa 78th Venice Int'l filmfest: Napakasarap sa pakiramdam! | Bandera

Dennis lumipad pa-Italy para sa 78th Venice Int’l filmfest: Napakasarap sa pakiramdam!

Ervin Santiago - September 11, 2021 - 02:03 PM

NASA Italy ngayon ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo para personal na um-attend sa 78th Venice International Film Festival.

Nabigyan kasi ng pagkakataon ang kanilang pelikula na “On the Job: The Missing 8” na magkaroon ng premiere sa nasabing festival. Ang nasabing movie ay idinirek ni Erik Matti.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinahagi ni Dennis ang ilang mga kaganapan na nangyayari sa pagbisita niya sa Venice, Italy na pinusuan at ni-like ng kanyang followers.

Sa isang litratong ipinost niya sa Instagram, makikita si Dennis kasama ang producers ng pelikula, kabilang na sina Dondon Monteverde, Ernest Escaler, Quark Henares with their director Erik Matti.

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang “On the Job: The Missing 8” ay ang kaisa-isang Southeast Asian film sa 21 entry na napili para sa main competition ng nasabing international filmfest.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ng isang journalist na nag-imbestiga sa pagkawala ng kanyang mga kapwa mamamahayag.

“Nakakatuwa na hindi lang mag-premiere ‘yung pelikula kundi kasama siya sa competition. ‘Yon pa lang, mapasama ‘yung pelikula namin doon ay sobrang reward na sa aming lahat,” ang bahagi ng pahayag ni Dennis sa nakaraan niyang panayam.

“Napakasarap na pakiramdam. Hindi ako mayabang na tao, pero parang gusto ko ipagmayabang itong project na ito.

“Talagang nakaka-proud dahil history in the making, lalo na naging bahagi kami sa pelikula na ito. Napakasaya lang.

“Sa ngayon wala pa akong mahiling na iba kasi sobrang high pa ako sa feeling na ito, sa lahat ng nangyayari at mangyayari pa lang dito sa on The Job. Sobrang happy at proud at thankful ko lang na nakasali ako dito,” ang sabi naman ni Dennis sa isang hiwalay na interview.

Bukod sa Kapuso actor, kasama rin sa movie sina John Arcilla at Dante Rivero. Matapos mag-world premiere sa Venice International Film Festival, ipalalabas din ito sa Rome at Milan bilang bahagi ng festival tour.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending