I-text kay Madam Sophia (September 09, 2013)

Mula kay Erwin Cristobal ng Tacurong City. January 7, 1992 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang mga babaing ka-compatible ko na dapat ligawan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong Januray 7, 1992 ka-compatible mo ang mga babaing may zodiac sign na Virgo, Taurus, Cancer, at kapwa mo Capricorn, higit lalo silang may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17, 26, 4, 13, 22, at 31.
 >>>
Mula kay Luwalhati Anod ng Zamboanga City. March 3, 1980 ang birthday ko at June 12, 1972 naman ang mister ko. Kailan kaya kami magkaka-baby?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 3, 1980 at June 12, 1972 naman ang mister mo sa taon 2013 hanggang 2014 sa edad mong 33 pataas magkaka-baby na kayo ng isang cute at malusog na babaing sanggol.
 >>>
Mula kay Jonalyn ng …9871. October 15, 1996 ang birthday ko. Anong kurso ang bagay sa akin?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 15, 1996 bagay sayo ang mga kursong may kaugnayan sa pagkain at pagdedekorasyon, tulad ng HRM, Food Technology, Nutrionist at ibang pang kauri nito. Ang kursong may kaugnayan sa pre-med or medicine tulad B.S. Bio, B.S. Psychology, Dentistry o kaya’y pagdo-doctor na mismo gayon din ang kurong Accounatncy ay maaari ding isa alang-alang.
 Sa nasabing mga propesyon sa taon 2020 sa edad mong 24 pataas, tuloy-tuloy kang uunlad, magiging successful at maging maligaya.

Read more...